Gaite tiwalang di pahihintulutan ni Velasco ang witch-hunting sa Kamara
Tiwala si Bayan Muna Representative Ferdinand Gaite na hindi pahihintulutan ni House Speaker Lord Allan Velasco na magamit ang Kamara para sa ginagawang witch-hunting ng mga anti-komunistang grupo.
Sinabi ni Gaite na kumpiyansa sila sa kakayahan ni Velasco na gumawa ng tamang desisyon sa harap ng tumitinding kampanya ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) at mga alyadong grupo nito na mapaimbistigahan ang umano’y ugnayan ng Makabayan Bloc sa mababang kapulungan sa Communist Party of the Philippines.
“Clearly there is pressure on the House to join the communist witch hunt of the NTF-ELCAC, but we believe Speaker Velasco will remain judicious and will not allow the House to be used as venue for peddling baseless accusations against its members,” wika ni Gaite.
Binubuo ang Makabayan Bloc ng 12 partylist na grupo, kabilang na ang Gabriela Partylist, Kabataan Partylist, Act Teachers Partylist at Bayan Muna.
Ayon kay Gaite, sa isinagawang Senate hearing sa isyu ng red tagging ay nabigo ang NTF-ELCAC na magharap ng ebidensyang magpapatunay na kaalyado ang mga progresibong mambabatas ng CPP at ng armado nitong grupo na New People’s Army.
“The red-tagging NTF-ELCAC failed to present any credible witness or evidence during the Senate hearing and they have been exposed as nothing but a bunch of slandering liars and con artists,” wika ni Gaite.
Sinabi pa niya na dapat mag-focus na lamang ang mga miyembro ng Kongreso sa paggawa ng batas at ibang pang hakbangin para solusyunan ang mga suliraning kinakaharap ng bansa.
“Our time would be more well-spent if used to focus on much needed legislation and other measures to further address the festering pandemic, the typhoon damage, and the socio-economic debacle than to waste people’s money on this groundless witchhunt.
Giniit ni Kabataan Partylist Rep. Sarah Elago na walang batayan ang panawagang House inquiry dahil pawang gawa-gawa lamang umano ang alegasyon laban sa kanila sa layunin ng ng NTF-ELCAC na matanggal sila bilang miyembro ng Kongreso.
Samantala, nanindigan naman si League of Parents of the Philippines chair Remy Rosadio na hindi dapat sa mga kapwa mambabatas nakikinig si Velasco kundi sa boses ng nakararami.
Sinabi ni Rosadio na hanggang nanatili sa Kamara ang Makabayan Bloc ay patuloy ang pagdami ng mga kabataang mare-recruit nito para sumapi sa NPA.
Samantala, sinabi naman ni Hands Off Our Children Founder Gemma Labsan na hindi sila titigil sa pagkalampag sa liderato ng Kamara hanggang sa umaksyon at gampanan nito ang kanilang tungkulin sa bayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.