Truck driver tinamaan ng swerte; wagi ng P20K matapos magkamali si Willie ng na-dial na number | Bandera

Truck driver tinamaan ng swerte; wagi ng P20K matapos magkamali si Willie ng na-dial na number

Ervin Santiago - December 10, 2020 - 04:26 PM

TINAMAAN ka talaga ng swerte! Yan ang nangyari sa isang truck driver na bigla na lang nagkaroon ng P20,000 nang walang kahirap-hirap.

Bigla kasing may tumawag kay Juanito Panti, Jr. at wala nga siyang kamalay-malay na magkakaroon siya ng maagang Pamasko kahit wala naman siyang sinalihang contest, pa-raffle o anumang game show sa TV.

Sa nakaraang episode kasi ng “Wowowin: Tutok To Win” ng GMA ay nagkamali ng na-dial na number si Willie. Isang Ronila Silvano sana ang tatawagan ng TV host-comedian pero lalaki ang sumagot sa kanya.

“Bakit iba? Sino ‘to? Sa Tutok to Win ‘to,” nagtatakang sabi ni Willie.

Sagot naman sa kanya ng lalaking nasa kabilang linya, “Hindi po ako ‘yan. Baka wrong number po yung natawagan niyo po.”

Nagpakilala nga itong si Juanito Panti, Jr. na taga-Marinduque at may apat na anak.

Agad na tsinek ng TV host ang kanyang tinawagan at doon niya nakita na naipagpalit pala ang dalawang digit ng cellphone number.

“Naku! Nagkamali ako ng pindot. Ha-hahaha! Nagkamali ako ng isang numero, sorry. Pasensya ka na. Aksidente lang,” pahayag ng komedyante.

Tugon naman ng driver, “Sige po, Kuya Wil, okay lang po. Masaya na po ako at nakausap ko po kayo.”

Pero kinausap pa rin siya ni Kuya Wil at tinanong kung ano ang ginagawa nito sa buhay at kinumusta rin ang kanyang pamilya. At kahit aksidente lang ang pagtawag sa kanya ng “Wowowin” host, binigyan pa rin siya nito ng premyo.

“Tingnan mo nga naman ang buhay. Ang labo kasi ng mata ko. Dahil mabait ka, bibigyan kita ng P20,000 cash,” sey pa ni Willie. Binigyan din niya si Juanito ng tablet para naman sa mga anak niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending