Kapamilya stars na wala nang exclusive contract sa ABS-CBN dumami ang offer sa GMA, TV5 | Bandera

Kapamilya stars na wala nang exclusive contract sa ABS-CBN dumami ang offer sa GMA, TV5

Reggee Bonoan - December 10, 2020 - 02:01 PM

ANG saya-saya ng karamihang artistang hindi na naka-exclusive contract ngayon sa ABS-CBN dahil kaliwa’t kanan ang offers nila sa TV5 at GMA 7.

Mamimili na lang sila kung sino sa dalawang network ang may magandang offer in terms of magandang show at siyempre malaking talent fees.

Tulad na lang ng malalaking artista ng ABS-CBN na hindi lang pala iisang show ang offer ng TV5 at GMA kundi dalawa hanggang tatlo depende kung ano ang ang magiging desisyon nila.

Sa TV lang naman puwedeng lumabas ang mga artistang walang kontrata sa Dos dahil sa pelikula ay may kontrata pa sila sa Star Cinema.

May iba naman sa kanila ang nangakong hindi sila gagawa sa ibang movie outfit maliban na lang kung co-production ito.

Anyway, habang sinusulat namin ito ay nahihirapang mag-decide ang sikat na aktor at aktres sa offer ng TV5 at ng iba pang producers dahil pawang magaganda.

Hindi lang nabanggit sa amin kung ilang araw, linggo o buwan ang ibinigay sa kanila ng producer para sumagot.

Samantala, concerned lang kami sa mga malalaking artista ng ABS-CBN na nasa TV5 ngayon at may kanya-kanyang proyekto.

Dahil kahit na magaganda ang mga programa nila na napapanood talaga namin ay hindi pa rin sila pumi-pick up sa ratings game kahit na punumpuno pa ito ng ads.

Sa pakiwari namin ay kulang na kulang sa promo ang mga programa ng TV5 kahit sa social media ay hindi rin sila maingay.

Dapat siguro, ito ang tutukan ng mga executive ng Kapatid network dahil sayang naman ang mga programa nilang magaganda kung walang ingay at hindi napapanood ng karamihan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Suhestiyon lang naman bilang ordinaryong manonood.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending