SB19 nanguna sa 'Most Tweeted About Accounts' list ng Twitter PH | Bandera

SB19 nanguna sa ‘Most Tweeted About Accounts’ list ng Twitter PH

Ervin Santiago - December 09, 2020 - 05:16 PM

WINNER na winner na naman ang sikat na sikat na P-Pop group na SB19 matapos matanggap ang isa na namang blessing bago mag-goodbye ang 2020.

Sila lang naman ang nag-number one sa “Most Tweeted About Accounts” list sa Twitter Philippines ngayong taon kaya abot-langit na naman ang kaligayahan ng kanilang milyun-milyong fans.

Of course, sila naman kasi talaga ang dahilan kung bakit patuloy na humahataw ang career ng SB19 hindi lang sa bansa kundi maging sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

“From P-Pop to love teams, here are the Most Tweeted about accounts in Flag of Philippines led by @SB19Official,” ayon sa post ng Twitter PH.

Ayon naman sa mga miyembro ng award-winning boy group, “This year is indeed a rollercoaster ride and thank you for being with us!”

Hindi ito ang unang pagkakataon na na-recognize ang SB19 dahil sa dami ng kanilang supporters na siyang nasa likod ng tagumpay nila at sa pagiging visible nila sa social media.

Nitong nagdaang Abril, nakuha ng SB19 ang ikalimang pwesto sa Billboard’s Social 50 chart, bukod pa sa mga natanggap nilang pagkilala sa iba’t ibang music fest.

At nito lang nakaraang linggo, nakuha rin ng grupo ang 6th spot sa Top Social 50 Artist of 2020 ng Billboard.

“In a year of so much change, it’s nice to see how things like entertainment on Twitter continue to bring us joy and connection in times we’re apart.

“Here are the Filipino faves that topped the Most Tweeted about hashtags list and made us smile this year. #ThisHappened2020,” sabi pa sa official statement ng Twitter Philippines.

Pumangalawa naman sa listahan ng most tweeted account si Maymay Entrata (@maymayentrata07), sinundan nina Edward Barber (@Barber_Edward) at Maine Mendoza (@mainmedcm) at panglima naman ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards (@aldenrichards02).

Samantala, SB19 din ang nanguna sa “Most Tweeted About Hashtags in the Philippines” list with hashtag #sb19. Nasa second spot ang #mayward, ikatlo ang #mainemendoza, na sinundan ng #morhot10 sa ikaapat na pwesto at ang #maymayentrata sa ikalima.

Ayon kay Arvinder Gujral, managing director ng Twitter for Southeast Asia, “This year, people have used Twitter not just to keep up with what’s happening around the world, but to maintain connections with one another despite being apart.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“The challenging circumstances of 2020 has highlighted Twitter’s role in driving real-time conversations and facilitating the interactions that matter as Filipinos bonded over heartwarming and key moments of the year,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending