Bistek, Kris muling nagkrus ang landas: Masaya sila habang nag-uusap
MUKHANG monitored ni ex-Mayor Herbert Bautista ang mga lakad ni Kris Aquino.
Dumalaw kasi ang actor-politician sa nakaraang taping ng TV host-actress sa “Lunch Out Loud” ng TV5 para sa Shopee segment nito na ipalalabas sa Miyerkoles, Dis. 9.
May nagpadala sa amin ng larawang nasa studio ng “LOL” si Mayor HB na nakasuot pa ng kanyang military uniform.
Ang sabi, napadaan lang daw ang komedyante dahil may meeting siya sa venue ng taping kung saan naka-stay si Kris.
Ang venue ay sa Verjandel Hotel along Kalayaan Avenue, Quezon City, sabi ng nagpadala sa amin ng litrato.
Hmmmm, posible naman talagang mangyari ito dahil malapit lang ang nasabing lugar sa Quezon City Hall, at baka nga doon ang venue ng meeting ni Bistek.
Napansin pa ng nagpadala ng larawan na ang saya raw ni Kris habang kausap si Bistek.
Samantala, nalaman namin na sa 2021 na matutuloy ang Puregold online show ni Kris at hindi na tungkol sa showbiz ang tema nito.
Kaya ang online show ni Boy Abunda muna ang naunang ipalabas sa online platform, base ito mismo sa sinabi ng aming source.
Habang sinusulat namin ang balitang ito ay nalaman naming kaliwa’t kanan ang webisode shoot ni Kris sa maraming produktong ieendorso niya.
Going back to Mayor HB, sana’y mabasa ito ni Kris para magbigay siya ng reaksyon sa pagdalaw ng lalaking huli niyang minahal niya, naks!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.