Nikki Valdez sumailalim sa hand surgery matapos maaksidente: Ang sama ng loob ko sa nangyari
SUMAILALIM pala sa operasyon ang Kapamilya character actress na si Nikki Valdez.
Ito ang ibinalita ni Nikki sa kanyang social media followers matapos ang ginawang surgery sa kanyang kaliwang kamay.
Sa kanyang Instagram post, sinabi ng aktres na naaksidente siya kamakailan at kinailangan daw operahan ang kamay niya.
Ipinost ni Nikki ang litrato kung saan makikitang nakaupo siya sa wheelchair habang naka-cast ang kaliwang braso.
“Today, I came home with a grateful heart. Much worse could have happened but here I am alive and in one piece (may kamay na bakal lang nga but all good!!).
“It may take time for a full recovery but I will be diligent in doing everything to feel better,” caption ni Nikki sa IG photo niya.
Nagpasalamat din siya sa lahat ng mga nagdasal at nagpaabot ng mensahe para sa kanyang mabilis na paggaling.
Masama rin daw ang loob niya sa nangyari dahil alam niyang magiging pabigat siya ngayon sa kanyang pamilya.
“Thank you to everyone who reached out and sent get well soon messages and encouragement.
“I must admit, I have been feeling down since the accident happened. The last thing I want is maging pabigat sa mga taong nakapaligid sa akin kaya ang sama ng loob ko sa nangyari.
“Kaya thank you sa inyong lahat na nagparamdam ng malasakit,” aniya pa.
Dagdag pa niyang mensahe, “My Star Magic family — Direk Lauren, Ate Nhila and Mo thank you for constantly checking on me and the beautiful flowers you sent to brighten up my day.
“This situation has just once again proven one thing — God is in control and has sent so many angels on earth to love and take care of me. From the bottom of my heart, salamat po,” sabi pa ni Nikki na napapanood ngayon sa Kapamilya series na “Bagong Umaga” na pinagbibidahan nina Tony Labrusca at Barbie Imperial.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.