Grae Fernandez sa lock-in taping: Dapat talaga walang matigas ang ulo | Bandera

Grae Fernandez sa lock-in taping: Dapat talaga walang matigas ang ulo

Ervin Santiago - December 07, 2020 - 10:59 AM

NAG-UUMAPAW sa kilig at magic ang loveteam nina Grae Fernandez at Kira Balinger kaya naman mas lalong dumami ang viewers ng Kapamilya series na “Ang Sa Iyo Ay Akin.”

Nagpasalamat ang dalawang youngstars sa lahat ng mga sumusuporta sa kanilang tambalan lalo na sa mga nagsabing sila na raw ang susunod sa yapak ng blockbuster tandem nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz.

Sa nakaraang presscon ng ABS-CBN para sa pagpirma uli ng kontrata ng ilang Kapamilya stars sa Star Magic kung saan kabilang nga si Kira, nagulat ang dalaga sa biglang pagdating ni Grae.

Talagang nag-effort ang binata na pumunta sa ABS-CBN para ipakita ang suporta sa ka-loveteam. Kaya naman todo ang pasalamat ng young actress kay Grae.

Samantala, nag-share naman si Grae ng naging experience niya sa lock-in taping ng “Ang Sa Yo Ay Akin”. Aniya talagang nakakapanibago ang pagpapatupad ng strict safety protocols sa taping.

“It’s about building the camaraderie and trust for everyone, sinabi nga ni direk na everyone talaga is not just taking care of themselves, pero taking care of others.

“Kasi kapag may isang nag-positive or merong nagkasakit, magsa-shut down kami ng taping to inspect talaga kung merong nagkasakit.

“So we just have to take care of each other talaga and always follow the rules in place na ibinigay sa amin. So dapat walang matigas ang ulo. Thankfully lahat kami nagagawa naman yun,” kuwento ng aktor.

Tungkol naman sa pagsikat ng tambalan nila ni Kira, malaki raw ang naitutulong ng pagmo-motivate sa kanila ng “Ang Sa Iyo Ay Akin”  directors na sina FM Reyes at Avel Sunpongco pati na ng production staff.

“Yung job kasi ng actor for this type of thing, siguro mga 40% lang. Kasi for me talaga, the writers and the directors, napaka-importante talaga for chemistry to work out.

“So makikita niyo yung mga nangyayari sa scene, parang collaboration naming lahat, with me and Kira of course.

“But nandu’n rin yung mga director namin, parang mga coach yun sa isang team na this is the game plan na kailangan natin gawin.

“Dahil binigyan kami ng insight na napakaganda and klaro na para sa aming dalawa eh sobrang dali na lang ng dapat namin gawin kumbaga,” paliwanag niya.

Mensahe naman niya sa fans nila ni Kira, “For me it is really heartwarming (suporta ng viewers). Magugustuhan talaga nila yung lives ng characters na ito na nag-relate talaga sila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kumbaga naaapektuhan sila ng characters na ito in a deeper way. Yun yung na-appreciate ko talaga. Alam ko na kapag may nangyaring masama sa character ko or sa character ni Kira, parang na-a-affect talaga sila sa nangyayari sa amin so that’s very nice to see and to hear,” chika pa ni Grae.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending