B-day hugot ni Ruru: Sana’y mas pahalagahan natin ngayon ang lahat ng mga binalewala natin…
WALANG hinahangad na anumang materyal na bagay ang Kapuso hunk na si Ruru Madrid para sa kanyang 23rd birthday ngayong taon.
Para sa binata, more than anything else, ang pagbuti ng buhay at kalagayan ng mga Filipino ngayon ang kanyang hinahangad at ipinagdarasal sa Diyos bilang birthday wish.
Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Ruru ang ilan sa mga life lesson na natutunan niya ngayong panahon ng COVID-19 pandemic at sa sunud-sunod na kalamidad na tumama sa bansa.
Aniya pa, napakarami nang dumating na pagsubok sa buhay niya ngunit sa kabila nito, itinuturing pa rin niyang blessed ang sarili dahil hanggang ngayon ay may trabaho pa rin siya kahit na patuloy anh banta ng health crisis.
“Amidst the pandemic, hindi ko pa rin lubos maisip how blessed I am to be given a lot of chances and opportunities to hone my craft, improve my skills, and share these para magbigay ng saya at inspirasyon,” ang pahayag ng Kapuso singer-actor.
Paliwanag pa niya, “Unang-una, gusto kong mag-thank you kay God dahil sa kanyang walang sawang pagmamahal sa akin. He has showered me with happiness and love from the start.
“Pangalawa, sa aking supportive family who stayed through my ups and downs. You never failed to make me feel loved and supported all the time.
“Pangatlo, sa aking pamilya sa industriya, thank you dahil hindi kayo nagsasawang turuan ako para mas pagbutihin ang aking trabaho bilang aktor. I will always be proud to be a part of this industry.
“Higit sa lahat, sa lahat ng mga tao na walang sawang sumuporta mula noon hanggang ngayon.
“Sometimes, I doubt myself pero everytime I read comments sa social media appreciating what I am doing, nawawala lahat ng pagod at duda dahil alam kong kahit ano ang mangyari, I will always have you,” mensahe pa ni Ruru para sa kanyang birthday last Dec. 4.
At para sa kanyang wish, hindi na ito para sa kanyang sarili kundi para sa mga Filipino at sa buong mundo. Aniya, sana’y bumalik na sa normal ang lahat at maging maayos na ang buhay ng bawat isa at ng sambayanan.
Dagdag pa ni Ruru, “2020 has taught us numerous lessons and I hope na sana mas pahalagahan natin ang lahat ng bagay na binalewala natin sa mga nagdaang taon. Mahal ko kayo!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.