Alessandra, Empoy gagawa ng pelikula sa Paris: 'Ang pagbalik ng economy class tandem...' | Bandera

Alessandra, Empoy gagawa ng pelikula sa Paris: ‘Ang pagbalik ng economy class tandem…’

Reggee Bonoan |December 06,2020
facebook
share this

Alessandra, Empoy gagawa ng pelikula sa Paris: ‘Ang pagbalik ng economy class tandem…’

Reggee Bonoan - December 06, 2020 - 05:29 PM

HINIHINTAY na lang ni Direk Sigrid Andrea Bernardo na matapos na ang COVID-19 pandemic at magkaroon ng bakuna para makalarga na sila sa Paris, France.

Ito ay para sa shooting ng pelikulang “Walang KaParis” produced by Spring Films at Viva Films.

Nag-post nitong Sabado ng gabi ang direktora ng larawan nina Empoy Marquez at Alessandra de Rossi.

Ang caption ni direk Sigrid, “Na miss mo ba sila? Ako rin! Kaya nag KITA KITA na muli kami! Kinilig ako. I’m sure sila rin! Abangan ang #Alempoy sa #WalangKaParis! Filming soon @msderossi  @empoy.”

Ang pagkakaroon ng COVID-19 bakuna at go signal kung kailan sila puwedeng bumiyahe patungong Paris para sa principal shoot ng pagbabalik-tambalan ng AlEmpoy.

“Sa Paris (shooting), depende if mag open sila. Lockdown pa kasi ngayon,” sagot sa amin ni direk Sigrid sa tanong kung kailan ang schedule ng shoot.

Inamin din sa amin na ito ang sinulat niyang script sa panahong nag-deactivate siya sa social media niya dahil gusto niyang mag-concentrate.

Humingi kami ng konting patikim sa kuwento ng “Walang KaParis,” sagot sa amin ni Direk, “Sa Paris sila nagkakilala. Mas mahal ni Alex si Empoy tapos may past pala sila, ‘yun lang muna.”

May kinalaman po ba ang “Walang KaParis” sa Kita Kita, “Hindi, iba nang lovestory ito,” say sa amin ng direktora.

At habang hindi pa nagsu-shoot ay nire-revise pa rin ni direk Sigrid ang script para mas pagandahin pa ito lalo.

Mukhang sinisimulan na ng Spring Films at Viva Films mag-ingay para sa pagbabalik ng AlEmpoy dahil sabay halos nag-post sina direk Sigrid at Alessandra ng larawan nila ni Empoy sa kanyang IG account.

Ang caption ni Alex, “Ang pagbalik ng economy class tandem… #alempoy #walangkaparis directed by @sigridandreapbernardo, once again. Here we go, @empoy!”

Isa pang larawan ang pinost ng dalaga, “Never ko in-expect na makakatambal ko si Johnny Depp. Pero hashtag blessed nalang! Salamat sa chance @sigridandreapbernardo! @empoy and the universe! #alempoy.”

Samantala, tinanong namin si direk Sigrid kung pressure sa kanya ang second movie nina Alex at Empoy dahil blockbuster ang “Kita Kita” na kumita ng mahigit P400 million.

Habang sinusulat namin ito ay hindi pa nasi-seen ng direktora ang aming mensahe kaya wala kaming nakuhang sagot.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending