Basher nilait si Pia: Kawawa ka naman, trying hard ka masyado
INALMAHAN ng Kapuso TV host na si Pia Guanio ang panglalait sa kanya ng isang netizen.
Hindi na pinalampas ng “Eat Bulaga” Dabarkads ang pambu-bully ng isa niyang Instagram follower na walang ginawa kundi okrayin ang mga selfie photos na ipinopost niya sa Instagram.
Unang nilait ng basher ang litrato ni Pia para sa isang sponsored post kung saan sinabi ng TV host ang kanyang sikreto kung paano niya napapanatili ang maganda niyang balat kahit nasa 40s na siya.
Maraming netizens ang pumuri sa kutis ni Pia pero may isa nga siyang follower na nang-okray sa kanya. Anito, “Kawawa ka naman Pia, feeling young pero hindi bagay, in just 4 yrs, 50 years old ka na. Please act sa totoo mong edad, huwag mong dayain ang sarili sa OOTD coz it still shows.
“Tanggalin mo ang makeup, tapos mag EB ka tingnan natin kung hindi ang makeup lang ang nagdala sa iyo.
“Kaya, accept your age and project accordingly. This is just a piece of advice to you,” mensahe pa ng hater.
Deadma lang si Pia sa offensive comment ng basher. Pero sa isa pang video at selfie post ni Pia sa IG ay muli siyang binasag ng hater.
“Don’t act like young coz your face tells your age 46, sorry, we are just being honest. Kawawa ka naman, trying hard ka masyado,” sey ng basher.
At dito nga siya niresbakan ni Pia, “You’ve been very critical of me. I just want to say God bless you and give you whatever you need to have peace!”
Maraming netizens ang nagtanggol sa “EB” host, sabi nga ng isang IG user, “I can’t believe na may mga bashers pa si Miss Pia, she’s a perfect woman for me. She’s beautiful, sexy, smart, and talented… Aside from that, she’s a good wife and one of the best mothers… Kalungkot na may ibang tao na ayaw maging masaya para sa iba.”
Ngunit nagpaalala naman si Pia sa kanyang fans and followers, “We must bless and not curse. Thank you and God bless you all.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.