Robi sa new normal ng PBB: Kailangan naming kausapin ang housemates ng naka-mask at face shield
ISA si Robi Domingo sa mga Kapamilya stars na binabagyo rin ng blessings ngayon sa kabila ng patuloy na banta ng COVID-19 pandemic sa bansa.
Habang naghihintay pa ng mga bagong trabaho ang karamihan sa mga talents ng ABS-CBN, kaliwa’t kanan naman ang mga proyekto ni Robi ngayon.
Kamakalawa, pumirma uli ng exclusive contract ang TV host sa Star Magic kasama ang iba pang talents ng ABS-CBN kaya sigurado pa rin ang future ng binata sa susunod na mga taon.
In fairness, napakasipag din naman kasi ni Robi at kahit anong ipagawa sa kanya ng network ay talagang kinakarir niya kaya isa siya ngayon sa busiest stars ng istasyon sa kabila ng health crisis.
Kasalukuyang host si Robi ng “Pinoy Big Brother Connect” na magbubukas na sa darating na ngayong araw sa Kapamilya Online Live, Kapamilya Channel, A2Z channel 11 at Kumu.
Bukod dito, game master din siya ng pambansang game show ng Pilipinas, ang “Game KNB?” na mapapanood saan man sa mundo sa pamamagitan ng TFC, TFC IPTV, at Kumu.
Samantala, nakachikahan ng ilang members ng media si Robi sa virtual presscon ng “PBB Connect” kasama ang walo pang celebrity host ng show. Sila ni Melai Cantiveros ang naka-assign sa pagbibigay ng daily updates tungkol sa mga bagong housemates ni Big Brother sa Kumu app.
“I’ll be there sa Kumu universe natin and at the same time sa eviction night as we usher in the new sets of housemates and also salubungin sila sa eviction night.
“So, sa pagpasok sa kickoff, ako ang magpapasok sa kanila and sa eviction night kami yung magwe-wecome ulit sa kanila in person,” kuwento ng binata.
Nagpasalamat din siya sa Kumu dahil ito ang naging daan para muling magbukas ang Bahay ni Kuya kahit may pandemya.
“If it wasn’t for them, wala po sigurong ganitong klaseng concept. Pero they were the ones na talagang nag-push, talagang nagbigay ng mga plano kaya I really think and know the future is in Kumu as well,” lahad ni Robi.
Nakausap na rin niya ang ilan sa mga housemates at excited na siyang ipakilala ang mga ito sa madlang pipol, “We had to talk to them na naka-mask and naka-face shield,I got to talk to the 14 official housemates.
“Pero hindi pa natatapos diyan kasi meron pa tayong official housemates na kukunin mula sa ating Kumu-niverse,” he said, hinting at additional housemates to be added in the future,” dugtong pang chika ng TV host.
Pahabol pa ni Robi, “And the magic continues nga doon sa numbers, Can you just imagine, 170,000 plus Kumu clips and ang maganda dun from different parts of the Philippines and from different parts of the world.
“Kung ito yung Star Hunt grand audition show dahil nga sa pagbibigay ng gold star ni direk Lauren, parang sobra sobra kasi may mga Kumu clips tayong nakuha mula sa Maguindanao, from Tawi-Tawi, from Spain, from Canada, na hindi pa nabibisita ng Star Hunt team.
“And now, naging posible dito sa ating kakaibang PBB Connect. Kaya connected talaga lahat ng mga Pilipino,” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.