Pagtaas ng internet demand ngayong Kapaskuhan dapat paghandaan ng telcos–NTC
Inatasan ng National Telecommunications Commission (NTC) na paghandaan ng mga kumpanya sa telekomunikasyon ang nakaambang pagtaas ng internet demand ngayong Kapaskuhan.
Sa inilabas na memorandum ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba, sinabi niya na simula sa Disyembre 7 hanggang Enero 8, mahalagang magroon ng “heightened level of emergency preparedness” ang mga telco para masigurong walang downtime o disruption sa serbisyo nito.
Sa mga panahong ito ay magaganap ang mga Christmas party, get together, year-end party at iba pang pagtitipon ngayong holiday season at karamihan dito ay ay virtual na gagawin.
Kaya naman inatasan ni Cordoba ang mga telco na madaliin ang kanilang maintenance work, taasan ang internet / broadband capacities, at tiyakin ang pagkakaroon ng business continuity.
Hindi rin kailangang kalimutan ang pagtitiyak na nakahanda 24/7 ang disaster recovery protocols.
Kamakailan, lumitaw sa pag-aaral ng Ooakla na patuloy na bumubuti ang serbisyo ng internet sa bansa.
Ang Ookla ang global leader sa mobile and broadband network intelligence, testing applications at technology.
Ayon sa Ookla, para sa fixed broadband latest report, nakasaad na sa average download speed na 28.69Mbps, umabot sa 262.71% ang increase mula sa dating download speed na 7.91Mbps nitong July 2016.
Samantala, ang overall mobile network performance ay nagbunga ng average download speed na 18.49Mbps na may pagtaas ng 148.52% mula sa speed na 7.44Mbps noong July 2016.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.