4 na bibida sa 'Voltes V' ng GMA napili na; mahulaan n'yo kaya kung sinu-sino sila? | Bandera

4 na bibida sa ‘Voltes V’ ng GMA napili na; mahulaan n’yo kaya kung sinu-sino sila?

Ervin Santiago - December 04, 2020 - 09:12 AM


WALA nang atrasan ang paglipad at pakikipaglaban ng Philippine adaptation ng classic Japanese anime na “Voltes V” sa GMA 7.

Tuloy na tuloy na ang Pinoy version ng “Voltes V Legacy” base na rin sa ipinost ng magiging direktor nitong si Mark Reyes sa kanyang Instagram account.

Isang black and white photo collage ang ibinahagi ni Direk Mark sa IG kung saan makikita ang apat na Kapuso stars na napiling magbida sa nasabing proyekto.

Siniguro ng Kapuso direktor na mahihirapan ang mga netizens na hulaan kung sinu-sino ang masuswerteng gaganap sa mga karakter nina Steve, Big Bert, Mark, at Jamie sa “Voltes V.”

Kuha ang litrato sa ginanap na costume fitting kamakailan. Sabi ni Direk Mark sa caption ng litrato, “Steve, Big Bert, Mark and Jamie had their measurements taken for their V5 flight suits today. #voltesvlegacy @gmanetwork #productionbeginssoon.”

Nauna nang ibinalita ng direktor na sa kabila ng  patuloy na banta ng COVID-19 sa bansa, tuloy pa rin ang isinasagawa nilang paghahanda para sa pagsisimula ng kanilang taping.

Noong nakaraang Oktubre, sinabi ni Direk Mark na kinakarir na nila ang pre-production para sa nasabing project. Nag-post din siya ng teaser sa IG para ipaalam sa publiko na wala nang makapipigil pa sa pagdating ni Voltes V sa Pilipinas.

“And here we go! We’re moving forward with creating the world of #voltesvlegacy @hrss14 @atongwali @darlingptorres @suzidoctolero @gmanetwork #letsvoltin #soon,” mensahe ni Direk sa kanyang IG followers.

Kung matatandaan, sumikat nang todo ang nasabing Japanese anime nang umere ito sa bansa noong dekada 70 sa GMA 7.

Ngunit noong 1979, bago pa ipalabas ang final episode ng “Voltes V”, nagpalabas ang dating Pangulong Ferdinand Marcos ng kautusan na ipagbawal na ang “Voltes V” pati na ng iba pang anime series dahil sa tema ng mga ito, partikular na ang matinding violence.

Ngunit noong 1999 at 2016, muling ipinalabas ng GMA ang “Voltes V”. At last year nga, kinumpirma ng Kapuso Network na nakuha na nila ang rights para sa live action ng “Voltes V.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nabatid na hindi masyadong mahihirapan ang grupo nina Direk Mark sa taping ng “Voltes V” under the new normal dahil mas naka-focus ang production niyo sa computer graphics.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending