Angelica hindi manunugod ng manlolokong BF: Sa pelikula nga pagod na pagod ako, sa totoong buhay pa kaya!? | Bandera

Angelica hindi manunugod ng manlolokong BF: Sa pelikula nga pagod na pagod ako, sa totoong buhay pa kaya!?

Ervin Santiago |December 01,2020
facebook
share this

Angelica hindi manunugod ng manlolokong BF: Sa pelikula nga pagod na pagod ako, sa totoong buhay pa kaya!?

Ervin Santiago - December 01, 2020 - 09:21 AM

ALIW na aliw kami sa isang episode ng online talk show ni Angelica Panganiban kung saan nakachikahan niya ang mga Titas of Manila ng showbiz.

Naging guest kasi sa “Ask Angelica” ang mga palaban at magagaling na aktres na sina Mylene Dizon, Agot Isidro at Cherry Pie Picache para sa segment nilang “MILF” o “Mamees na Incredibly Laging Fabulous.”

Simula pa lang ay todo kulitan at asaran na ang tropa kung saan ibinuking pa nila na sa kanilang lahat ay si Cherry Pie raw ang hindi ganu’n ka-active ang sex life.

Hirit ni Angge, “So wait lang Madam. Kung wala kang sex life, ano’ng miss na miss mo?” Na sinagot naman ng aktres ng “‘Yan, mga TT ganyan…mga tropang totoo!”

Kasunod nito, isa-isa nilang sinagot ang tanong ng mga netizens, una na nga ang question ng isang 40-year-old na hindi pa nagka-boyfriend ever at wala ring alam sa pakikipag-flirt.

Si Mylene ang nagbigay sa kanya ng tip, “Kapag tumitig ka sa mata, tumitig ka sa kaliwang mata niya. Kasi hindi ‘yan dominant eye normally, ‘di ba? So, parang nao-off guard sila ‘di ba. Parang ‘Ay, bakit siya nakatitig doon sa kaliwa kong mata’, tapos nagiging vulnerable sila.”

May nagtanong naman kung tatanggapin ba niya ang imbitasyon ng pamilya ng kanyang ex para sa isang dinner. Ang problema kasi, may bago nang girlfriend ang guy.

Tugon ni Angelica, “Gulo lang yan, eh. Parang naghahanap ka lang din ng gulo. Iba kasi ‘yan sa wala pa siyang girlfriend, eh. Pero kung meron nang girlfriend, respeto na lang din. Tulungan mo na lang din sarili mong maka-move on nang tuluyan.”

Isang mommy ang nagkuwento na palagi raw kino-compare ng kanyang asawa ang katawan niya noon sa figure niya ngayong may mga anak na sila.

Payo ni Cherry Pie kay misis, “Sabihin mo sa kanya hindi naman pwedeng i-compare kung ano ka before sa ngayon.

Siyempre nagbabago, nanay ka, may dalawang kang anak. Sabihin mo sa kanya, ‘Bakit hindi mo i-explore ang other qualities ko other than my physical body. Mas marami pang exciting.”

“Time management” naman ang advice nina Mylene, Cherry Pie at Agot sa isang nanay na humingi ng tips para ma-balance ang kanyang trabaho at “me time.”

Singit naman ni Angelica, “Dapat ang inuuna mo talaga sarili mo. Kailangan alam mo rin hanggang ng katawan mo, yung limitations, ‘di ba? Siyempre pag may time gusto mo rin ibigay sa mga gusto mong makasama.”

Nagkabukingan pa nang isang caller ang nagsabi na gusto niyang hulihin sa akto ang manloloko niyang boyfriend at ang “kabit” nito.

Sey ni Agot, “I made a mistake before na parang kinonfront ko pa. Alam mo, I regret. Parang wow, bumaba ako sa level na ganoon.”

Para naman kay Angge, “Hindi worth it. Kung sa pelikula nga lang pagod na pagod ako, what more pa kaya sa totoong buhay. Hindi maganda, day!”

Sa huling bahagi ng video, sinabi ni Angelica na iba pa rin kapag nagmula sa sarili ang confidence ng isang tao, yung hindi pilit.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ikaw lang ang makapagbibigay sa sarili mo ng confidence na ‘yun. ‘Yung pagiging fabulous. Oo may mga pwede tayong maging inspiration diyan para maramdaman naman natin ‘yun from the inside. Pero iba kapag nanggaling ‘yun mismo sa loob mo, sa puso mo,” mensahe pa ni Angelica.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending