Tekla kay Michelle: Alagaan mo si Angelo, kakastiguhin tayo ng Diyos pag may nangyari sa kanya | Bandera

Tekla kay Michelle: Alagaan mo si Angelo, kakastiguhin tayo ng Diyos pag may nangyari sa kanya

Ervin Santiago |December 01,2020
facebook
share this

Tekla kay Michelle: Alagaan mo si Angelo, kakastiguhin tayo ng Diyos pag may nangyari sa kanya

Ervin Santiago - December 01, 2020 - 09:26 AM

NANGAKO ang Kapuso TV host-comedian sa dating live-in partner na si Michelle Bana-ag na hinding-hindi niya pababayaan ang kanilang anak na si Baby Angelo.

Ngunit kasabay nito, may hiniling din ang komedyante kay Michelle para naman sa kanilang anak na sumailalim sa ilang operasyon matapos itong ipanganak na walang butas ang pwit.

Sa nakaraang episode ng “The Boobay and Tekla Show” last Sunday, muling nagsalita si Tekla tungkol sa iskandalong kinasangkutan nila ng dating ka-live in at kung anu-ano ang natutunan niya mula rito.

Sa isang bahagi ng “TBATS”, tinanong si Tekla ng co-host niya sa programa na si Boobay at ng BFF na si Donita Nose kung anong regalong nais niyang ibigay sa mga mahal niya sa buhay sa darating na Pasko, kabilang na ang kanyang tatay, anak na si Aira, at kay Michelle.

Cellphone ang naiisip niyang ibigay sa anak na nasa probinsiya at sana raw ay makabiyahe na ito patungong Manila para dito na manirahan.

May early Christmas gift na raw siya sa kanyang ama. Aniya, nagpadala na siya ng pera pambili ng mga gustong alagaang hayop ng tatay niya dahil gusto na niyang tumigil ito sa paggapas.

Pagdating kay Michelle, nais niyang “regaluhan” ito ng pangaral at pakiusap para sa kapakanan ng anak nilang si Baby Angelo na hindi pa raw totally ligtas matapos maoperahan.

“Ingatan mo yung anak mo. Kasi marami pa kaming puwedeng asikasuhin sa bata na maging normal. So, lahat ng salitang puwede kong ilapat sa ‘yo para alagaan mo yung anghel mo, alagaan mo ang anak mo.

“Kasi kakastiguhin tayo ng Diyos niyan kung may masamang mangyari diyan,” pahayag pa ni Tekla.

Diin pa ng Kapuso comedian, “Alagaan mo si Angelo. Maging nanay ka, maging mabuting ina ka sa anak mo. Nandito ako sumusuporta sa anak ko, hindi kita pababayaan diyan.”

Unti-unti na rin daw niyang natatanggap ang katotohanan na hindi nasuklian ni Michelle ang pagmamahal na ibinigay niya rito matapos nga siya nitong ilagay sa kahihiyan.

“Sa ginawa niya na muntikan na kong maghingalo at itinulak niya ako sa bangin. Eh, wala naman siyang wawarakin dito, dun siya nagkamali, wala namang sisirain,” birong pahayag ni Tekla kasabay ng pagsasabing hindi na siya galit sa dating partner.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa huli, muling pinasalamatan ni Super Tekla ang lahat ng nagdasal, sumuporta at nagtiwala sa kanya sa kabila ng pinagdaanan niyang kontrobersya, lalung-lalo na ang GMA 7 na hindi siya agad hinusgahan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending