Bea 'superhero' rin ng Pinoy, tinupad ang pangarap ni Rhea Tan: Parang imposible pero nangyari na!

Bea ‘superhero’ rin ng Pinoy, tinupad ang pangarap ni Rhea Tan: Parang imposible pero nangyari na!

Ervin Santiago |November 30,2020
share this

Bea ‘superhero’ rin ng Pinoy, tinupad ang pangarap ni Rhea Tan: Parang imposible pero nangyari na!

Ervin Santiago | November 30,2020 - 03:26 PM

ISA si Bea Alonzo sa mga local celebrities na maituturing ding “superhero” ng mga Filipino, lalo na ngayong patuloy pa rin ang banta ng pandemya sa bansa.

Mula nang magsimula ang health crisis sa Pilipinas ay hindi na tumigil ang aktres sa pagbibigay ng tulong sa mga kababayan nating nangangailangan, lalo na sa mga nawalan ng kabuhayan dahil sa COVID-19 pandemic at sa sunud-sunod na kalamidad sa bansa.

Sa tulong na rin ng kanyang charity organization na I Am Hope at sa mga nagdo-donate sa kanila, tuluy-tuloy pa rin ang pagbibigay nila ng ayuda sa mga nasalanta ng bagyo sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Kaya naman kahit na napakahirap ng buhay ngayon at hindi pa rin nakababalik sa trabaho ang lahat ng artista, maswerte pa rin si Bea dahil sa mga blessings na dumarating sa buhat at career niya. Isa na nga riyan ang pinakabago niyang project.

Kamakailan, minarkahan ng Beautéderm Corporation ang kaarawan ng President at CEO nitong si Rhea Anicoche-Tan ng isa na namang hindi malilimutang milestone sa pormal na pagsalubong kay Bea bilang opisyal na endorser ng Etre Clair Refreshing Mouth Spray.

Mula nang sinimulan niya ang kumpanya 11 years ago, isa na sa ultimate dreams ni Rhea ang makasama si Bea bilang bahagi ng illustrious roster of Beautéderm ambassadors at maligaya ang batang CEO ngayong nagkatotoo na ang kanyang pangarap.

“Ina-admire ko si Bea,” ani Rhea. “It has always been a dream of mine to collaborate with her as an endorser. Nu’ng una, parang imposible ang pangarap kong ito dahil sa humble beginnings ng kumpanya kaya naman talagang nagsumikap kami hanggang ito na nga at nagkatotoo na ang pangarap namin.

“It took me 11 years to make my dream come true and Bea is truly worth the long wait. Napakasarap din katrabaho ng kanyang manager na si Ms. Shirley Kuan. Very professional at very humble siya, she is everything that I imagined her to be. This is truly a wonderful birthday gift to me,” ani Rhea.

Pahayag naman ni Bea, “It feels great! I’ve always been curious about the brand. Gusto kung paano lumaki ang kumpanya at kung gaano kabilis lumaki ang pamilya nito,” sabi ni Bea.

“Marami akong mga kaibigan na bahagi ng Beautéderm family, and I’m happy that I can finally endorse this brand alongside them,” chika pa ng Drama Queen.

Inspired din si Bea nu’ng nakilala niya si Rhea sa kauna-unahang pagkakataon, “Ang saya ko nung nagkita kami nuong shoot namin. I like being around strong and empowered women. Excited ako sa aming future campaigns.”

Dinevelop ng Beautéderm ang Etre Clair, isang bagong produkto na isang hygienic essential, lalo na sa gitna ng pandemya. Isa itong  antibacterial mouth spray made with 100% organic ingredients.

“These days, lagi kong gamit ito, and I suggest for everyone to use it as often to protect ourselves, lalo na ngayong mahirap ang kinakaharap natin. At organic at mint flavored pa ito. Fresh na fresh talaga ang feeling,” sabi ni Bea.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa brand at para sa mga exciting updates tungkol kay Bea, sundan ang @beautédermcorporation sa Instagram, i-like ang Beautéderm sa Facebook, at mag-subscribe sa Beautéderm TV sa YouTube.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending