B-day paandar ni Ai Ai kay Gerald: Naka-graduate, nag-work, tumaba, mas tumaba pa...ngayon super borta! | Bandera

B-day paandar ni Ai Ai kay Gerald: Naka-graduate, nag-work, tumaba, mas tumaba pa…ngayon super borta!

Ervin Santiago |November 30,2020
facebook
share this

B-day paandar ni Ai Ai kay Gerald: Naka-graduate, nag-work, tumaba, mas tumaba pa…ngayon super borta!

Ervin Santiago - November 30, 2020 - 01:14 PM

PINUSUAN at ni-like ng sandamakmak na netizens ang paandar na birthday message ni Ai Ai delas Alas para sa asawang si Gerald Sibayan.

Nagdiriwang ngayong araw, Nov. 30, si Gerald ng kanyang kaarawan at idinaan nga ng Comedy Concert Queen sa kanyang Instagram account ang pagbati kay hubby.

Sey ni Ai Ai, napakarami na nilang pinagdaanan ni Gerald at super proud siya sa asawa dahil marami na rin itong achievements sa buhay mula noong pagtagpuin sila ng tadhana.

“Noong isang araw lang Darl na amaze ako sa itsura mo and yung pag daloy ng panahon,” simulang caption ng Kapuso comedienne sa litrato nila ni Gerald sa IG.

Aniya, bilib na bilib din siya sa pinairal na disiplina sa kanyang body transformation, lalo na noong kasagsagan ng lockdown dulot ng COVID-19 pandemic.

“Nakita kitang bagets na athlete na may malaking hita na puro muscle bilang nasa badminton national team ka.

“Naka-graduate, nag-work as coach ng DLSU, tumaba, mas tumaba pa. Nag piloto, medyo pumayat, para makakuha ng lisensya nagpapayat hanggang nag pandemic naging siomai king online franchisee.

“Ngayon ay super BORTA. hay naku ang haba na ng pinag samahan naten haha!” mensahe pa ng komedyana para sa asawa.

Patuloy pang chika ng “The Clash Season 3” judge, “Parang napagod ako magkuwento e isa lang naman ang sasabihin ko sa tribute ko sayo. HAPPY HAPPY BIRTHDAY MY EX BOYFRIEND, MY KA TSISMISAN, MY BEBE, MY DARL.

“Have a blast my dear husband. I love you so much @gerald_sibayan!” ang pahabol pang pahayag ni Ai Ai.

Tatlong taon nang kasal sa Dec. 11 sina Ai Ai at Gerald. Mahigit three years muna silang naging magdyowa bago sila nagpakasal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending