Barbie na-in love kay Jak habang nagkakape: Nakita ko talaga kung anong klaseng lalaki siya | Bandera

Barbie na-in love kay Jak habang nagkakape: Nakita ko talaga kung anong klaseng lalaki siya

Ervin Santiago |November 30,2020
facebook
share this

Barbie na-in love kay Jak habang nagkakape: Nakita ko talaga kung anong klaseng lalaki siya

Ervin Santiago - November 30, 2020 - 09:26 AM

TROPA-TROPA lang talaga noon ang Kapuso couple na sina Barbie Forteza at Jak Roberto pero nang dahil sa “kape” biglang nag-iba ang kanilang kuwento.

Binalikan ng JakBie ang panahon kung kailan nila na-realize at na-feel na espesyal sila sa isa’t isa.

Sa bagong mukbang vlog ng magdyowa, napagkuwentuhan nila ang kanilang “first date” kung saan nagkaroon sila ng chance na mas makilala pa ang ugali ng bawat isa.

Kuwento ng Kapuso actress, ang “first official date” nila ni Jak ay  group date sana kasama ang ilan nilang kaibigan, pero bigla raw nag-cancel ang mga ito.

“Nu’ng unang labas namin na ‘yung first date namin, doon lang ako na-fall sa kanya.

“Pero ‘yung prior to that, ‘yung mga taping namin, nu’ng lumabas kami with a group one time, wala pa ‘yon tropang-tropa lang. ‘Yung first date lang namin.

“Kasi doon ko siya kumbaga walang kahati sa atensyon ko. ‘Yung atensyon ko talaga nasa kanya lang,” simulang pahayag ng dalaga.

“So, nakita ko talaga kung anong klase siyang lalaki na kalog, pilyo, ganyan, pero gentleman, very maalaga, maalalahanin. Tsaka lang ako na-fall,” sey pa ni Barbie.

Inamin naman ni Jak na matagal na niyang crush Barbie pero hindi niya ito nililigawan dahil ayaw niyang masira ang kanilang friendship.

“Nu’ng ano pa lang, after nu’ng ‘Maynila’ (daytime drama series sa GMA), nagka-crush na ‘ko sa ‘yo. Nagusutuhan kita nu’ng nagkakatrabaho na tayo sa ‘Sunday All Stars’ tapos sa ‘The Half Sisters.’

“Sa mga guesting nagkikita na tayo pero kapag nakikita kita, ‘Uy si Barbie.’ Pero hindi like parang jojowain, parang suntok sa buwan para sa akin.

“Kapag nakikita lang kita, gusto na lang i-retain ‘yung pagiging friends. Pero alam mo ‘yon, kung may chance, talagang iga-grab ko ‘yon,” lahad ng tinaguriang Pambansang Abs.

Ayon naman kay Barbie nakaramdam siya ng “rollercoaster of emotions” sa mga unang date nila ni Jak, lalo na noong manood sila ng tatlong pelikula together.

“To be honest, nu’ng nagra-ramen tayo, nu’ng kumakain tayo ng lunch, tropa ‘yon. Nu’ng nanood tayo ng unang sine, tropa ‘yon.

“Nu’ng dinala mo ako sa shake shop sa mall, nag-picture tayo, ‘di ba? Tapos pinost ko. To be honest, pinost ko ‘yon kasi si Andoy (karakter ni Jak sa serye nila noong Meant To Be) torpe, ‘di ba? So, nilagay ko sa caption, ‘Di na siya torpe.’

“Nu’ng nanood tayo ng pangalawang sine, tropa pa din ‘yon. Pero nu’ng nagkape tayo, ‘di ba pinayagan tayo na mag-stay doon sa lugar na hindi matao? So, nagkaroon kami ng moment alone na kami lang. Although may tao pa rin sa paligid, pero mas nakahiwalay.

“Nagkakape kami tapos doon talaga kami nakapag-usap. Doon ko na-realize na very ano siya, very Pinoy, very old-school. Talagang Promdi.

“Tapos nagkaroon din kami ng quiet moment na na-realize ko na ‘yun ‘yung date ko na nagkaroon ako ng quiet moment with a guy na hindi ako na-awkward.

“Pwede kaming magdaldalan together tapos pwede rin kaming maging tahimik together na walang awkwardness, hindi weird.

“Siguro naubusan kami ng pag-uusapan pero para sa akin, hindi ako na-rattle na, ‘Luh ang tahimik, ano bang pwedeng i-open na topic? Pa’no ba para ma-entertain siya.’

“Kaya nu’ng pinost ko na ‘yung kamay mo na nakahawak doon sa isang kape, ‘yon meron na. Pero hindi like todo, mayroon ng chances of winning,” tuluy-tuloy na pagbabalik-tanaw ni Barbie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At nu’ng mag-movie date na nga sila for the third time, ine-expect na ng Kapuso Drama Princess na magtatapat na sa kanya si Jak — at the rest as they say — is history na nga.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending