Alden humble pa rin: Kung ano yung napapanood nila sa akin, ganu’n din ako offcam
SA kabila ng tagumpay na tinatamasa bilang isa sa pinakasikat na young celebrity sa bansa, sumusumpa si Alden Richards na wala pa ring nagbago sa kanyang ugali.
Tulad ng lagi niyang sinasabi, “what you see is what you get” — kung ano raw ang nakikita at napapanood ng publiko sa harap ng mga camera, ganu’n din daw siya sa likod nito.
Sa pakikipagchikahan ng Asia’s Multimedia Star sa press kamakailan para sa first virtual reality concert niyang “Alden’s Reality” bilang bahagi pa rin ng kanyang 10th anniversary, binalikan ng binata ang kanyang pagsisimula sa mundo ng showbiz.
“When I was starting, ang dami mong pangarap, ang dami mong dreams, ang dami mong gustong mangyari sa buhay mo noon.
“As I go along the 10 years that I’ve been here, slowly siya natutupad isa-isa because of the support, because of the good projects that you’re doing, ‘yung recognition din mula sa ibang tao,” simulang kuwento ng Pambansang Bae.
Dugtong pa niya, “Ang sarap balikan noong nangangarap pa si Alden, and then now natupad na niya ‘yung mga pangarap niya, most of it.”
Totoong napakarami nang nagbago sa buhay niya pati na ng kanyang pamilya dahil sa dami ng blessings na ibinigay sa kanya ng Diyos at sa walang sawang suporta ng lahat ng nagtitiwala sa kanya.
Pero sa kabila nito, nananatili pa ring humble si Alden, “I see to it that I don’t let go of that reality na kung saan ako nanggaling kasi that’s what keeps me sane. Sa bahay namin, they treat me as RJ, not Alden and I want it that way.
“Actually kung ano naman po ‘yung nakikita n’yo on TV and kung paano ako sa ibang tao is really how I am in real life. There’s no difference. Walang Alden on-screen, off-screen. It’s the same person.
“And of course in my 10 years, I’ve just been my same old self since I was starting. Siguro now with better people behind my back and of course, stronger and mas passionate about what I’m doing.
“But really, ako po talaga as myself, there’s really no difference. There’s no big difference between what you see on screen and off screen po. That’s Alden’s reality, that’s the real me,” esplika ni Alden.
Aniya pa, “Nakatulong sa akin nang malaki ang mga struggles, that’s why I worked hard para marating ko kung ano man ang narating ko ngayon. That’s what keeps my feet on the ground.
“Kasi if not for those hardships and struggles, I wouldn’t work hard at hindi ko mararating kung ano ‘yung narating ko ngayon.
“So I really owe it to those moments. I don’t regret any of those moments that happened to me in the past,” paliwanag ng Kapuso Drama Prince.
Ngayon pa lang ay super excited na ang fans ng Kapuso heartthrob na mapanood ang “Alden’s Reality” sa Dec. 8 na itinuturing ngang isang global event bago magtapos ang 2020.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.