Daniel super rich na: Kahit hindi na siya magtrabaho sa edad 35... hanggang apo na niya

Daniel super rich na: Kahit hindi na siya magtrabaho sa edad 35… hanggang apo na niya

Ervin Santiago |November 29,2020
share this

Daniel super rich na: Kahit hindi na siya magtrabaho sa edad 35… hanggang apo na niya

Ervin Santiago | November 29,2020 - 09:54 AM

daniel padilla

 

PWEDE nang magbuhay-hari si Daniel Padilla kahit mag-retire siya sa mundo ng showbiz sa edad na 35.

Yan ang siniguro ng nanay niyang si  Karla Estrada nang mapag-usapan ang tungkol sa kayaman ni Daniel makalipas ang ilang taong pagtatrabaho bilang artista at endorser.

Nakachikahan ng celebrity dermatologist na si Vicki Belo sa bago niyang vlog entry si Karla at dito nga nila napagchikahan kung gaano na ka-rich ang boyfriend ni Kathryn Bernardo.

Sabi ng TV host-actress, may sapat na savings na ang kanyang anak kaya kung sakaling magdesisyon itong tumigil na sa pag-aartista sa edad na 35 ay wala nang magiging problema.

“Meron na siyang savings niya na he’s good at 35 kahit di na siya magtrabaho hanggang apo niya. Nagtabi na tayo,” pahayag ni Karla.

Sa tanong kung kumukuha ba si Karla ng commission sa mga kinikita ni Daniel, “Wala naman. Ako lang naghahandle nang lahat ng pera niya.

“Eh, kasi kung ano man gastos namin, para din ‘yun sa lahat. So, importante may natabi sa kanya,” dagdag pang chika ng nanay ni DJ.

Patuloy pang kuwento ng aktres tungkol sa paggastos ng anak, “Hindi naman siya palahingi. Hindi ‘yun humihingi ng pera  ng cash. Pero mag-alala ka nag ‘Ma’ na ‘yan. Iba-ibang tono ‘yan eh. ‘Pag ‘Hi, Ma!’ naky, patay tayo diyan.

“‘Oh Ma, may darating na sasakyan ha!’ Hindi siya humihingi lagi ng pera pero kapag humingi siya, kumapit ka na sa pader,” natatawa pang chika ni Karla.

Paano naman niya kinakausap si DJ kapag humingi na ito ng pera pambili ng motorsiklo, “I sometimes say no kasi parang ‘Anak, alamin mo muna kung magandang klase ba ‘yan.’

“Binibigyan ko siya ng ano, kasi kapag nagsabi na yan ng, ‘Pare, ang ganda ng motor na ito.’ Alam mo na. Kasi nasa blood din nila ‘yan eh. Mga pa-action star din kasi ang mga Padilla,” lahad ni Karla.

Sa ngayon, ibinigay na ni Karla sa anak ang paghawak sa kanyang finances para matutunan na nito ang maging responsable sa paggastos at pagse-save.

“Ngayon, ang gagawin ko, siya na ang paghahawakin ko ng pera niya para maramdaman niya ang feeling mapag nahawakan niya mapag babawasan niya ng ganito kalaki.

“Mararamdaman niya ‘yung feeling na ‘Ah, sayang’ Di niya kasi hawak eh. Kaya easy for him to say na ‘Oh Ma, bayaran mo ito. Oh Ma, may kukunin ako dito!’” paliwanag pa ng aktres.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending