'StarTruck' nina Jennylyn at Dennis rumatsada na sa Cagayan ; Tekla may pasabog na interview sa TBATS | Bandera

‘StarTruck’ nina Jennylyn at Dennis rumatsada na sa Cagayan ; Tekla may pasabog na interview sa TBATS

Ervin Santiago - November 29, 2020 - 09:44 AM

SIGURADONG maraming kababayan nating nasalanta ng Bagyong Ulysses sa Cagayan ang matutulungan ng ipinadalang ayuda roon nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

Inihayag ng Kapuso Ultimate Star na dumating na sa Cagayan ang unang delivery ng relief goods mula sa donation drive nilang “StarTruck”.

Ito’y mula sa “Dream. Believe. Survive” ng StarStruck na ginawa namang “Dream. Believe. Donate.” nina Jennylyn at Dennis

Ipinost ng dalaga sa kanyang Instagram account ang ilang litrato kung saan makikita ang ipinadala nilang 10-wheeler truck sa Cagayan na punumpuno ng food packs at iba pang supplies.

Mismong ang Kapuso couple na sina Jen at Dennis, kasama ang iba pang volunteers, ang nag-repack ng relief goods kaya naman talagang may kahalong pagmamahal at malasakit ang ginawa nilang pagtulong.

Nagpasalamat din ang DenJen sa lahat ng nagbigay ng donasyon para mas marami pa silang matulungan sa Cagayan na nakatikim din ng basik ni Ulysses.

Nauna rito, sinabi ni Jennylyn na bukod sa laman ng “StarTruck”, “May hinahanda na kaming 1000 bags of relief goods. Bilang ang laki nito, there’s room for more donations!”

“Wala pong maliit na tulong! YOUR HELP WILL GO A LONG WAY (smiley emoji),” sabi ni Jen.

Samantala, huwag palalampasin ang mga susunod na eksena sa “Descendants Of The Sun” sa GMA Telebabad pagkatapos ng “Encantadia.”

Abangan ang mga bagong challenge at problemang haharapin nina Big Boss (Dingdong Dantes) at Beauty (Jen) kapag nagkabukingan na sila ng kanilang mga sikreto, kabilang na nga ang pagkatao ng isang taong posibleng makasira sa kanilang relasyon.

Kailangan n’yo ring abangan ang tagos sa pusong mga eksena nina Rocco Nacino at Jasmine Curtis bilang sina Diego at Moira ngayong nalaman na ng binata ang katotohanan tungkol sa tatay ng babaeng pinakamamahal niya.

* * *

Espesyal at madamdamin ang episode ng “The Boobay and Tekla Show” tonight sa GMA dahil matapang na isisiwalat ni Super Tekla ang kanyang mga sentimyento sa kinasangkutang isyu sa isang one-on-one interview.

Kakaibang Tekla ang mapapanood ng viewers ngayong Linggo sa “TBATS.” Sa unang pagkakataon ay haharapin at sasagutin ng Kapuso comedian ang mga naiwang katanungan matapos ang kinaharap na isyu ng kanyang pamilya.

Makakasama rin niya sa interview ang kanyang BFF na si Donita Nose na ibabahagi ang ilan sa mga plano ng kaibigan sa muli niyang pagbangon at pagsisimula.

Ang live interview ay pangungunahan ng “TBATS” co-host niyang si Boobay kasama ang The Mema Squad na magbabato ng maiinit na katanungan.

Abangan din sina Boobay, Tekla, at The Mema Squad sa isang masayang laro na “Roleta ng Kadramahan”. ‘Wag din palampasin ang nakakalokang phone prank ng tatlong komedyante sa beauty queen na si Ariella Arida sa “Na-TBATS Ka.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Abangan ang special episode ng “The Boobay and Tekla Show” ngayong Linggo, 10:30 p.m., pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending