Ina Felo ikakasal sa art museum; Benjamin Alves natulala sa harap ni Nova Villa

Ina Felo ikakasal sa art museum; Benjamin Alves natulala sa harap ni Nova Villa

Ervin Santiago |November 29,2020
share this

Ina Felo ikakasal sa art museum; Benjamin Alves natulala sa harap ni Nova Villa

Ervin Santiago | November 29,2020 - 09:42 AM

SUPER excited na ang “Bilangin Ang Bituin Sa Langit” actress na si Ina Feleo sa nalalapit niyang intimate wedding.

Ngayong Dis. 1 na ito gaganapin sa Pinto Art Museum sa Antipolo City.

Napagdesisyunan ni Ina at ng kanyang Italian boyfriend na si Giacomo Gervasutti (o James Gerva) na sa naturang museum magpakasal dahil malapit lang ito sa Metro Manila at pwede silang magkaroon ng al-fresco reception bilang pag-iingat na rin sa COVID-19.

Kuwento ng aktres, “Sa Pinto Museum namin gagawin kasi ito ‘yung pinaka-favorite namin na date place and we both love art.

“Sobrang ganda kasi talaga for us ‘yung Pinto. Feeling ko, aside from it being a museum with art pieces, the place itself is art,” kuwento ng aktres.

Dagdag pa niya, “And at the same time, open-air. Siyempre ngayon, mas maganda kung al fresco ‘di ba? And then maluwag ‘yung space so pwede talaga ‘yung social distancing, ganu’n.”

Hindi naman masyadong nahirapan si Ina sa pag-aayos ng kanilang wedding dahil tumutulong din sa preparasyon ang kanyang inang si Direk Laurice Guillen.

Samantala, balik-telebisyon na ang “Bilangin Ang Bituin Sa Langit” simula ngayong Dis. 7 sa GMA Afternoon Prime.

* * *

Hindi mapigilang ma-starstruck ng “Owe My Love” lead actor na si Benjamin Alves sa veteran actress na si Nova Villa.

Talagang natulala raw ang binata nang makaeksena niya ang premyadong aktres sa ginagawa nilang lock-in taping para sa upcoming romcom series ng GMA.

Kuwento ni Ben sa kanyang Facebook account,  na-starstruck siya habang ginagawa ang kanyang first scene with Nova.

“Grabe kasama ko legend,” bigla raw niyang nasabi. “I quickly realized that I had a lapel and turned to our audio-man who nodded and smiled in approval. Starstruck ako kay Ms. Nova Villa.”

Gaganap si Nova bilang si Mama Eps, ang lola ni Lovi Poe sa serye. Gagampanan naman ni Benjamin ang character ng doktor na si Migs Alcancia.

Natutuwa naman ang fans nina Ben at Lovi dahil updated sila sa mga behind the scenes ng taping sa pamamagitan ng social media accounts ng kanilang mga idol.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending