Foreign spouses, anak ng mga Filipino citizen pwede nang bumiyahe sa Pilipinas simula sa Dec. 7 – IATF | Bandera

Foreign spouses, anak ng mga Filipino citizen pwede nang bumiyahe sa Pilipinas simula sa Dec. 7 – IATF

- November 28, 2020 - 02:50 PM

Marianne Bermudez/Inquirer 

Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force na makabiyahe sa Pilipinas ang mga dayuhang asawa at anak ng mga Filipino citizen.

Simula sa December 7, 2020 pwede na silang bumiyahe sa Pilipinas anuman ang kanilang edad ayon sa pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Kailangan lamang, ayon sa IATF, na kasama sa biyahe ang Filipino Citizen.

May mga istriktong  kundisyon din ang pagpasok nila sa bansa kabilang na ang pagsailalim nila sa COVID-19 testing at quarantine.

Subject din sila ng maximum capacity ng mga inbound passenger sa port at date of entry.

Inatasan ng IATF ang Bureau of Immigration na bumuo na ng alituntunin hinggil dito para maayos na maipatupad ang polisiya.

Inatasan din ang Department of Tourism na maglabas ng guidelines para naman sa accommodation ng mga uuwing Pilipino at kanilang dayuhang asawa at anak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending