Wanted nurse para kay Kris: Sana ‘yung kaya akong buhatin...with benefits din | Bandera

Wanted nurse para kay Kris: Sana ‘yung kaya akong buhatin…with benefits din

Reggee Bonoan - November 27, 2020 - 01:59 PM

MAHAL na mahal si Kris Aquino ng mga taga-production dahil advance ang bayad niya sa mga ito kahit hindi pa niya nakukuha ang talent fee sa produktong ineendorso.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na laging may sakit si Kris at kung kaya rin niyang magtrabaho at humarap sa camera ay ginagawa niya pero kapag hindi talaga ay agad na niya itong sinasabi sa kliyente.

Tulad nitong isang araw, nag-shoot siya ng webisodes para sa isang brand ng home appliances kasama ang anak na si Bimby at sa pagkakataong ito ay maganda ang pakiramdam ni Kris dahil maganda ang aura niya at nagawa pa niyang makipagbiruan sa production staff.

“It’s a shoot day today, we’re doing kitchen stuff for Philips, (sabay tawag ng pangalan ng staff na nakasama pa niya sa Game Ka Na Ba show noon), hi everybody!  Maging happy naman kayo kasi kahit hindi pa ako bayad, binayaran ko na kayong lahat, ha, haha.  Let’s be happy,” nakatawang sabi ni Kris.

At dito inamin ni Kris na naghahanap siya ng isa pang nurse na kaya siyang buhatin dahil bago itong shoot ay sinumpong siya ng vertigo at bumagsak.

Mabuti na lang nakaalalay sa kanya si Bimby at right hand niyang si Alvin Gagui pero hindi siya kinayang buhatin kaya tinulungan na sila ng isang female nurse.

“Kaya naghahanap kami ng isa pang nurse na sana ‘yung kaya akong buhatin with benefits you know, SSS, Philhealth, Pag- Ibig,” anunsyo ni Kris sa video post niya sa kanyang Instagram account.

Nabanggit din ng Queen of Social Media na marami siyang sorpresa para sa followers niya sa social media at abangan.

“Ilang days akong hindi nag-post kasi I’m not feeling well, alam kong marami na kayong problema kaya bakit ko pa dadagdagan ang problema ninyo by sharing my problems.  Updates tomorrow,” saad ni Kris.

Iisa ang laman ng comments section sa post ni Kris na masaya sila sa muling pagbabalik ng TV host sa webisodes kasabay ng pagpuri sa kaguwapuhan ni Bimby.

Inanunsyo na rin ni Kris ang nalalapit na super sale ulit ng Shopee na 12-12 at part ng promo ay kailangan niyang naka-Santa Claus outfit kasama si Jose Mari Chan at anak na si Bimby.

Ang caption niya sa video, “What a privilege to do the @shopee_ph 12/12 TVC with our country’s Christmas icon, Jose Mari Chan. Yes, nag Santa dress ako.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Yes, nag attempt akong sumayaw. Yes, that’s Bimb doing the Shopee Christmas dance with us (and obviously he can groove much better than his mama). And yes, obvious naman diba, #lovelovelove ko ang SHOPEE.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending