Pia sa pagrampa ni Rabiya sa 2020 Miss U: May all the stars align for you…Bunso, make us all proud!
SURE na sure si Pia Wurtzbach na nasa tamang “tamang daan” si Rabiya Mateo habang naghahanda na sa pagsungkit sa ikalimang Miss Universe crown ng Pilipinas.
Ayon sa ating 2015 Miss Universe, naniniwala siya na malaki ang laban ni Rabiya sa pagrampa nito sa Miss Universe 2020 pageant base na rin sa ipinakikita nitong dedikasyon at disiplina.
Na-impress si Pia kay Rabiya nang makausap niya ang dalaga sa kanyang online talkshow na “Queentuhan,” kasama ang mga kapwa beauty queen na sina Bianca Guidotti and Carla Lizardo.
Aniya, malaki ang maitutulong kay Rabiya ng tinatawag na “self-awareness” at ang determinasyon nitong mas matuto para mas marami siyang dalang bala kapag sumabak na siya sa susunod na laban.
“Alam mo kung saan ka possible na ma-trigger, alam mo kung saan ka dapat mag-train pa. Ang laki ng self-awareness mo which is so important because you have to have that open mind, that you need to keep learning.
“Hindi ka dapat makuntento na, ‘Ah nanalo na ako, okay na ‘to. Ito na ‘yung formula ko.’
“Pero parang na-notice ko sa ‘yo na sobrang open mo to learning and inoobserbahan mo rin ‘yung sarili mo na, ‘Ito dapat gawin ko, ganito, ganyan.’ Which is so good and so important for a person who wants to keep improving and wants to win,” pahayag ni Pia.
Dugtong pa niya, “I think you’re on the right path already, Rabiya. You don’t need a lot of work. What I mean by work, alam mo ‘yung parang may mga babaguhin pa sa way of thinking mo or training mo.”
Mensahe pa ng beauty queen-actress sa “bunso” nilang si Rabiya, “May all the stars align for you, Rabiya. You are our bunso. So bunso, make us all proud.”
Samantala, ibinalita naman ni Rabiya na magsisimula na ang formal training niya para sa Miss Universe 2020 kasabay ng pag-amin niyang wala pa siya sa kanyang “best fighting form.”
“I want to have the best body. Iyon sana, that’s my target. I’m aware that my frame is kind of small. And ‘yung mahirap kasi sa akin, even though I eat a lot, hindi ako lumalaki. So I really need to hit the gym and to have those weights.
“Right now sinasabi we have this target na arms, hips, body. And sabi ko nga, nai-inspire ako to do that kasi I know myself, I’m not gonna settle for less. I’m gonna push myself to improve kasi Pilipinas na ‘yung dala-dala mo, eh.”
Sa tanong naman kung ano ang magiging focus ng adbokasiya niya bilang 2020 Miss Universe Philippines, “I want it to be more connected with my community po, sana. I want to be involved with different schools, with different programs kasi it’s just gonna be one year.
“I want people to remember me as somebody who actually did the work, and not just a beauty queen who is beautiful.
“Now is my time to share my strength and my experience, and my story to the people. So sana talaga I will be blessed with a lot of programs for the benefit of the Filipino community,” lahad pa ni Rabiya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.