Maris Racal mahina ang 'gaydar', may beki nga bang manliligaw? | Bandera

Maris Racal mahina ang ‘gaydar’, may beki nga bang manliligaw?

Ervin Santiago |November 23,2020
facebook
share this

Maris Racal mahina ang ‘gaydar’, may beki nga bang manliligaw?

Ervin Santiago - November 23, 2020 - 12:01 PM

AMINADO ang Kapamilya young actress na si Maris Racal na mahina ang kanyang “gaydar” o ang pang-amoy kung beki ba ang isang lalaking nagpapanggap na straight.

Natanong kasi tungkol dito si Maris sa ginanap na virtual mediacon ng bagong project ng Star Cinema, ang beki movie na “Boyette, Not A Girl Yet” na pinagbibidahan ni Zaijian Jaranilla with herself and Inigo Pascual.

Dahil nga LGBTQ movie ang “Boyette” may nagtanong kay Maris kung may nanligaw na ba sa kanya noon na eventually ay nalaman niyang bading pala.

“Wala naman. Ha-hahaha! Nag-isip talaga ako! Pero konti lang naman sila, eh. Wala pa naman,” sagot uli ng dalaga.

Ayon kay Maris, mahina raw talaga ang “gaydar” niya kaya nahihirapan siyang tukuyin kung bading ba ang  isang straight-looking na guy

“Pagdating kasi doon, medyo naive talaga ako pagdating diyan. Tapos, parang hindi pa ako nakaka-sense kung ano ba talaga ang ano niya (sexual preference),” aniya pa.

Dugtong pa ni Maris, “Parang ang nasi-sense ko pa lang is ‘yung pinaka-outer layer ng isang tao. So parang ako ‘yung laging huli sa balita.”

“So far, sa lahat…parang ang dami namang boyfriend. Ha-hahaha! Basta sa lahat naman ng mga nakausap,  wala naman,” saad pa ng dalaga.

Speaking of Inigo na naging screen partner noon ni Maris, maayos naman daw ang relasyon nila ngayon bilang magkaibigan.

“Nakatulong lang rin talaga even before the loveteam itself, naging friends kayo. Ang bilis lang naman balikan ng gaya ng dati (as friends). ‘Yung relationship niyo dati noong wala pang love team. Mabilis naman.

“Siguro nakakatulong kapag naka-move on ka and everything, makakatulong siya and sobrang sarap lang na ang gaan na namin magkatrabaho,” ani Maris.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, mapapanood na ang “Boyette, Not A Girl Yet” directed by Jumbo Albano sa TFC, iWantTFC, Sky Cable, Cignal at KTX.ph simula sa Nov. 27.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending