Carla nagluluksa sa pagkamatay ng alagang aso: My heart is broken again

Ervin Santiago |November 22,2020
share this

Carla nagluluksa sa pagkamatay ng alagang aso: My heart is broken again

Ervin Santiago | November 22,2020 - 01:51 PM

IPINAGLULUKSA ngayon ng Kapuso actress na si Carla Abellana ang pagkamatay ng alaga niyang aso na si Wing.

Wasak ang puso ng dalaga na isa ring kilalang animal welfare advocate dahil sa pagkawala ng kanyang pet dog.

This year lang in-adopt ng dalaga si Wing, kasama ang kapatid nitong si Fly, mula sa Philippine Animal Welfare Society (PAWS). Isa si Carla sa mga celebrity ambassador ng PAWS.

Idinaan ng aktres sa Instagram ang kanyang mensahe tungkol sa pagkawala ni Wing. Nag-post siya ng ilang litrato ng aso na kuha lamang last Friday.

“My heart is broken again. And this time it has shattered into tiny pieces,” ang simulang pahayag ni Carla.

“Who’s gonna be greeting me first thing in the morning when i wake up?

“Who’s gonna wait for me to open my eyes before he comes stretching his way to give me a kiss from his bed to mine? (broken heart emoji),” pahayag pa niya.

Ayon sa dalaga, nag-selfie sila ni Wing dahil ang sweet-sweet daw nito nang umagang iyon, “I had no idea those were to be his final moments.”

Hiniling din ni Carla sa kanyang IG followers na mag-alay ng dasal para kay Wing at sa kapatid nitong si Fly na inaatake raw ng depresyon ngayon.

Sa isa pang IG post ni Carla, makikita ang mga litrato ni Wing habang nasa loob sila ng veterinary clinic kung saan kasama rin niya ang boyfriend na si Tom Rodriguez.

Aniya, bago raw mamaalam si Wing ay may tinulungan pa siyang isang Chihuahua mix mula sa Bohol na inoperahan. Maayos na raw ang kondisyon nito at naibalik na rin sa owner.

Mensahe pa ni Carla, “Little did i know that hours later i would rush my own WING to the Vet to try to save him as well. Except this time i wasn’t able to. I failed.”

“Why is it that i am able to help save other animals and not my own, Lord? (broken heart emoji),” aniya pa.

Sigurado raw siyang maninibago ngayon ang kapatid ni Wing na si Fly, “I’m trying to find comfort in his sister, Fly, making sure she doesn’t get confused or too lonely without her brother.

“They were inseperable, you see. That’s why i adopted them together.

“While i try to apologize to and comfort Fly, who keeps hiding in the corner of the living room or under our bedroom sofa, i fall asleep while crying on Wing’s bed, with his favorite pillow,” dagdag pa niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending