Karla ipinagdasal ang pagdating ni Jam Ignacio; BF may promise kina Daniel

Ervin Santiago |November 22,2020
share this

Karla ipinagdasal ang pagdating ni Jam Ignacio; BF may promise kina Daniel

Ervin Santiago | November 22,2020 - 09:28 AM

MAY binitiwang pangako ang boyfriend ni Karla Estrada na si Jam Ignacio kay Daniel Padilla at sa iba pang anak ng TV host-actress.

Ayon kay Jam, nakikita na niya ang kanyang sarili na kasama si Karla for the rest of his life. Para sa kanya pang-forever na ang kanilang pagmamahalan.

Nag-celebrate ng kanyang birthday si Karla sa “Magandang Buhay” last Friday kung saan naging guest co-host nga nina Melai Estrada at Jolina Magdangal ang anak niyang si Magui.

Sa isang bahagi ng programa, hindi na napigilan ni Karla ang maiyak habang nagkukuwento kung gaano siya kaswerte sa mga anak niya.

“Sobrang nakaka-proud itong si Magui. Si Magui is a very strong independent woman. Si Magui, ang hirap akong ma-let go because siya ang ate.

“But you know I’m learning,

I’m trying my very best and thank you for being patient with mama,” lumuluhang sabi Karla.

Aniya pa, “You know anak I’m so proud of you. You are very strong. ‘Di ko ‘yon akalain na you will be very, very strong and, of course, ‘yung kindness ng heart mo, I really appreciate it.

“Because you see mothers when they see na ganyan ang mga anak, ‘yun ang happiness, ang joy na hindi natatawaran. Na kaya ko nang palayain kayo kasi nakkita ko na you guys are very responsible,” sey pa ng TV host.

“Thank you for listening to me. We choose na makinig sa isa’t isa. And thank you for not letting go ‘yung time na dapat magkasama tayo.

“I know you are having a hard time balancing the entire family because you are an ate. Anak, you are doing a good job, you are so fine. I want you to know that I love you so much,” dagdag pa niyang mensahe sa anak.

Kasunod nito ay ang sorpresang pagdating ni Jam kung saan tinanong nga ni Magui kung feeling nila ay pangmatagalan na ang kanilang relasyon.

Unang sumagot si Jam, “Sa akin, ‘yun ang nakikita ko.”

Sey naman ni Karla, “Ako, wala akong mapaglagyan ng saya dahil matagal na natin itong hinintay, idinarasal. So you know everything is lifted up to God.

“Ang mga anak namin eventually kapag lumaki ay may kanya-kanyang pamilya. Might as well tumanda ako hanggang matapos ang buhay ko ay kasama ko ‘yung taong totoong mahal ko at aalagaan ako.

“So ‘yun lang ang dasal na sana ito na ang maging huli, ito na ang huli, itong taong ito,” sabi ni Karla.

Dito na nga nangako si Jam sa mga anak ni Karla na aalagaan at poprotektahan niya ang girlfriend.

Reaksyon naman ni Magui, “Siyempre kaming magkakapatid, ang iniisip lang naman namin is siyempre ang kaligayahan ni Mama.

“We always talk about na okay na masaya na si Mama, settled na tayo diyan because as long as she’s happy, we’re happy. As long as she’s safe, we’re sure, basta happy si Mama,” dagdag ng sister ni DJ.

Sa huli, ibinahagi naman ni Karla ang kanyang birthday wish, “Ang wish ko talaga is para sa ating mga kababayan na nahihirapan ngayon na makatayo sila agad-agad dito sa lungkot at hirap na nararamdaman nila. ‘Yun ang aking wish talaga and, of course, good health for the entire family.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending