Bato dela Rosa, nagpositibo sa Covid-19
Nagpositibo sa Covid-19 si Senator Ronald “Bato” dela Rosa at apat pang kasama niya sa bahay, kabilang ang anak niyang babae.
“I’m sorry to inform you that I tested positive for COVID-19 yesterday,” ayon sa post ni Dela Rosa sa kangyang Facebook page ngayong Sabado.
Pinayuhan ni Dela Rosa ang sinumang nakasalamuha niya na gawin ang mga hakbaning itinatagubilin ng Department of Health.
“To all who made contact with me, please do the appropriate protocols,” ani Bato.
Ang mga taong na-expose sa isang nagpositibo sa coronavirus ay kailangang mag-self quarantine sa loob ng 14 na araw.
Sa text message sa INQUIRER.net, sinabi ng senador na dating hepe ng Philippine National Police na wala namang malalang sintomas siyang nararanasan sa kasalukuyan.
“May ubo lang ako,” wika niya.
Maliban kay Dela Rosa, nagpositibo rin aniya ang anak niyang babae, drayber, at kasambahay.
“Four kami from the household nagpositive. Me, my eldest daughter, driver and househelp,” dagdag pa niya.
Si Dela Rosa ay ikalima nang senador na dinapuan ng nakakahawang sakit na Covid-19, pagkatapos nina Senators Sonny Angara, Koko Pimentel, Juan Miguel Zubiri, and Bong Revilla.
Bago pa man kinumpirma ni Dela Rosa na may Covid-19 siya, sinabi na ni Senate Majority Floor Leader Juan Miguel Zubiri sa pagsasara ng interpelasyon ng Senado sa panukalang 2021 national budget na may isang taong pinagsususpetsahang may coronavirus ang nasa session hall ng Senado noong Miyerkules.
Hinikayat naman ni Senator Richard Goron ang mga na-expose kay Dela Rosa na mag-quarantine hanggang Lunes para malaman kung may sintomas na lalabas.
“If one of us got exposed to one of our colleagues, the incubation period is five days. So, we have to stay put [during] the five days and if we get the symptoms we immediately do something about it,” ayon kay Gordon, na siyang chairman ng Philippine Red Cross.
May ulat mula kay Katrina Hallare ng INQUIRER.net
https://www.facebook.com/OfficialPageofRonaldBatoDelaRosa/posts/3466899740025037
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.