Paolo sumabak sa 'Single Dad' challenge; Aicelle bigla na lang maiiyak sa gabi | Bandera

Paolo sumabak sa ‘Single Dad’ challenge; Aicelle bigla na lang maiiyak sa gabi

Ervin Santiago |November 20,2020
facebook
share this

Paolo sumabak sa ‘Single Dad’ challenge; Aicelle bigla na lang maiiyak sa gabi

Ervin Santiago - November 20, 2020 - 09:23 AM

ILANG linggo na lang ay manganganak na ang Kapuso singer-actress na si Aicelle Santos sa panganay nila ni Mark Zambrano.

Isa si Aicelle sa mga celebrities na nabuntis sa gitna ng banta ng COVID-19 pandemic kaya naman triple ang ginawa nilang pag-iingat ni Mark habang nagdadalang-tao siya.

Aminado ang Kapuso star na talagang inaatake pa rin siya ng takot hanggang ngayon para sa kanyang safety lalo na sa magiging first baby nila ni Mark.

“Pregnant women are hormonal and more emotional. They get to overthink.

“Una siyempre, fear of getting COVID kasi you don’t know what the effects of COVID will be to your baby,” ang pahayag ni Aicelle sa panayam ng GMA.

Inamin din niya na may panahon na napapraning talaga siya sa kalinisan ng kanilang paligid kaya naman maya’t maya ang ginagawa nilang pag-disinfect sa mga kagamitan nila sa bahay.

“Paranoid na kung paranoid sa pag-sanitize ng lahat ng bagay, you do it. I think ‘yung first trimester was the most emotional one kasi nga ‘yun ‘yung nabalitaang buntis ka.

“I think it’s the same for everyone, pregnant or not, hindi ba? Kasi March ‘yon, e. Ako, I found out I was pregnant in April. So, onset yon ng pandemic and lockdown,” lahad pa ng future mommy.

Kuwento pa niya, “Meron kang nights na you would just cry but then again at the end of the day just pray and lift it all of Him because there’s nothing you can do.”

Baby girl ang magiging panganay nina Aicelle at Mark at balak nilang pangalanan ang panganay nila na Zandrine Anne.

* * *

Naka-survive kaya ang Kapuso star na si Paolo Contis sa pagsabak niya sa “Single Dad” challenge?

Sa latest vlog ng Kapuso actor-vlogger, isang buong araw siyang nagbantay at nag-alaga kay Aki at Baby Summer ng walang tulong mula sa kanilang mommy at partner niyang si LJ Reyes.

First day ng work in the new normal ni LJ kaya pansamantala muna niyang iniwan sa bahay ang mag-aama.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood sa video kung paano binabalanse ni Paolo ang pag-aasikaso sa mga bata habang isinasagawa ang household chores at kanyang trabaho online.

Ibinahagi rin niya ang sikreto sa kanyang pagpapapayat: ang pagsunod sa juice cleanse/detox.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending