Gabby awang-awa kay KC: Umiiyak siya, ayaw ako iwanan | Bandera

Gabby awang-awa kay KC: Umiiyak siya, ayaw ako iwanan

Ervin Santiago - November 20, 2020 - 09:19 AM


AWANG-AWA si Gabby Concepcion sa panganay na anak na si KC Concepcion nang muli silang magkita makalipas ang mahabang panahon.

Nang dahil sa pandemya, matagal-tagal ding hindi nagkasama ang mag-ama kaya naman sinulit talaga nila nang bonggang-bongga ang ilang oras na pagba-bonding.

Nag-date sina Gabby at KC para sa late birthday celebration ng Kapuso actor. Of course, super happy ang singer-actress na makasama uli ang kanyang tatay kahit sa loob lamang ng ilang oras.

“Magkasama kami, kumain kami sa restaurant,” kuwento ni Gabby sa panayam ng GMA. Sobrang na-miss din daw niya ang anak kaya nalungkot din siya nang maghiwalay na uli sila after ng kanilang date.

Kuwento pa ni Gabby, “Naawa nga ako sa kanya. Pauwi na kami, ayaw niya ako bitawan, ayaw niya ako pauwiin.

“Umiyak dahil ayaw ako iwanan. Naawa naman ako,” lahad pa ng ex-husband ni Sharon Cuneta.

Promise naman ng aktor kay KC, puwede naman silang magkita anytime at gagawa siya ng paraan para muli silang makapag-bonding, “Sabi ko sa kanya, I’m just a text message away.”

Samantala, pinaghahandaan na rin ni Gabby ngayon ang lock-in taping nila para sa Kapuso series na “First Yaya” kung saan makakatambal nga niya si Sanya Lopez.

Samantala, nagbigay naman ng update si KC tungkol sa kanyang fundraising drive para sa mga nasalanta ng mga mapaminsalang bagyo sa bansa.

Nagbenta ang dalaga ng kanyang jewelry collection na ang bahagi ng kikitain ay mapupunta sa rescue and relief operations sa Cagayan at iba pang lugar na sinalanta ng Bagyong Ulysses.

Post ni KC sa Instagram, “Hiii! My lean team and I are overwhelmed by the inquiries for our 3 @avecmoijewelry made-to-order designs that are dedicated to charity.”

“All on-hand pieces are sold, and made-to-order pieces are now being made for their future owners!”

“We will be working with @kayanatinph and @wwfphilippines for your purchases between today and November 27. A big portion of all proceeds from your orders will go towards Typhoon Ulysses (Vamco) relief operations- DM us @avecmoijewelry for inquiries.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Thank you for your patience as we respond to each inquiry one by one. Here’s to brighter days ahead! xx, K.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending