Derek umaming hiwalay na nga sila ni Andrea: Walang third party, please respect us na lang | Bandera

Derek umaming hiwalay na nga sila ni Andrea: Walang third party, please respect us na lang

Reggee Bonoan |November 19,2020
facebook
share this

Derek umaming hiwalay na nga sila ni Andrea: Walang third party, please respect us na lang

Reggee Bonoan - November 19, 2020 - 09:25 PM
KINUMPIRMA na ni Derek Ramsay na totoong hiwalay na sila ni Andrea Torres sa pamamagitan ng Instagram.

Nag-post ang aktor ng larawan ng kanyang pamilya sa IG dahil kaarawan ng kanyang mommy Remedios Ramsay.

Binati ng mga kaibigan nila sa showbiz ang kanyang ina sa pangunguna nina John Estrada, Aga Muhlach, Vina Morales, manager ng aktor at kaibigan ng pamilya na si Jojie Dingcong at marami pang iba.

Bukod sa pagbati mula sa mga showbiz friends ng aktor, may mga followers din siya na nagkomento at nagtanong tungkol sa paghihiwalay nila ni Andrea — may kumampi sa aktres at may pumanig naman sa aktor.

Sabi ni @jazmineoc, “OMG! u guys too much. its @ramsayderek07 mom bday. pls respect his privacy.”

Hirit ni @rhodorasaniano1766, “Ano ba kayo 1 yr lang sila ni Andrea samantala’ yong past n’ya 6 yrs lahat bakit ganon kadali kay Andrea something is wrong with Andrea ‘wag nyo isisi kay Derek lahat yong past nya 6 yrs.”

Say ni @ngatchie, “Derek is waiting for Andrea to speak out. Di makasalita si Derek dahil parang ine-enjoy pa ni Andrea na naba-bash si Derek. She’s not being fair to him.”

Marami pang palitan ng kuru-kuro ang mga netizens hanggang sa sumagot na nga ang aktor marahil para matigil na rin ang pagsasagutan ng kanyang IG followers.

Sagot ng aktor sa IG user na may handle name na, @rhodorasaniano1766, “Pls don’t point the finger at anyone. There is nothing wrong with Andrea. She is a great woman. There is no third party! The breakup has happened so fast.

“Maybe 2 people are just not meant to be. Pls respect us nalang. We shared our love to all of you sana naman we can keep this to ourselves. Mahal ko si Ada kaya di ako magsasalita pero if I hear lies about her I will defend her,” aniya pa.

Samantala, halos iisa ang komento ng supporters nina Derek at Andrea, sana raw at magkabalikan sila at magkaroon pa ng second chance.

Komento ni @cayetanogrande, “@ramsayderek07 I wish maayos big fan n’yo ako dalawa mag-usap kayo dalawa ligawan mo kung maari at kung mahal you pa talaga siya sana maayos n’yo talaga habang hindi pa lumalala I wish your both happiness. Dedma nalang ‘yung ibang basher kayo lang ni Andrea magkaayos n’yan.”

Payo naman ni @rizamel_valencia, “That what love is. Kung mahal mo talaga kahit wala na kayo may part parin talaga sa puso niyo ang isa’t isa. I respect your decisions po sana things will get better sooner. Love you Andrek.”

Samantala, maraming nagpapadala ng mensahe sa aktor at sa manager niyang si Jojie, isa na kami, na kung pwedeng makausap ang kanyang talent at kaibigan pero as of now ay wala pa silang pinagbibigyan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas naman ang BANDERA para sa paliwanag ni Andrea.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending