#PangAsar: Angelica, Zanjoe ginawang joke ang tungkol sa 'relasyon' | Bandera

#PangAsar: Angelica, Zanjoe ginawang joke ang tungkol sa ‘relasyon’

Ervin Santiago |November 19,2020
facebook
share this

#PangAsar: Angelica, Zanjoe ginawang joke ang tungkol sa ‘relasyon’

Ervin Santiago - November 19, 2020 - 09:23 AM

GINAWANG “joke” nina Zanjoe Marudo at Angelica Panganiban ang kumakalat na chika na magdyowa na raw sila ngayon.

May tsismis kasi na na-develop ang dalawang Kapamilya stars dahil sa teleserye nilang “Walang Hanggan” na napapanood sa Kapamilya Channel.

May nag-assume na baka raw si Zanjoe ang tinutukoy ng mga kaibigan ni Angelica na bagong lalaking nagpapaligaya ngayon sa kanya.

Kung matatandaan, sa birthday episode ng online show ng aktres na “Ask Angelica” ibinuking ng kanyang celebrity friends ang status ng lovelife niya. Inamin naman ni Angge na masaya ang puso niya ngayon pero hindi na siya nagdetalye.

Recently naman, nag-post ang talent manager na si Manay Lolit Solis sa kanyang Instagram page na mukhang nagkadebelopan nga raw sina Angelica at Zanjoe dahil araw-araw nga silang magkasama sa taping ng kanilang serye.

Ayon kay Manay Lolit, posibleng nagkahulugan ng loob ang dalawa dahil bukod sa pareho nga silang single ay halos hindi na sila naghihiwalay because of their lock-in taping.

In fairness, matagal nang magkaibigan sina Zanjoe at Angelica kaya hindi naman imposibleng may mabuong “something” sa pagitan nila at mauwi sa seryosong relasyon.

Ngunit mukhang hindi nga nila sineseryoso ang nasabing chika dahil parehong idinaan sa biro nina Zanjoe at Angge ang ginagawang pagli-link sa kanila.

Nag-post ang dalaga sa kanyang Instagram Stories ng litrato ni Zanjoe habang nakasakay sa kanyang itim na kotse.

Naka-red cap at face mask ang binata na game na game pang humarap kay Angelica habang kinukunan siya nito.

Ang caption na inilagay ng aktres, “Sinalubong ako ng rumored boyfriend ko (laughing with tears emoji).”

Hindi rin nagpahuli si Zanjoe dahil may post din siya sa IG kung saan makikitang magkatapat ang sasakyan nila nila ni Angelica.

Obviously, magkasama nga that time ang dalawa dahil pareho lang ang damit na suot ni Zanjoe sa litratong ipinost ni Angelica.

Caption ng binata sa nasabing photo, “Pa like naman, para may heart sa gitna #rumoredboyfriend.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Oh well, alam n’yo naman kapag nagbiro ang tadhana. Kung minsan yung kaibigan mo pa nang matagal na panahon ang taong itinadhana para sa ‘yo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending