Kris humirit sa DepEd, kumampi kay Angel: Mali kung ang likas na matulungin ang 'paglalaruan' | Bandera

Kris humirit sa DepEd, kumampi kay Angel: Mali kung ang likas na matulungin ang ‘paglalaruan’

Ervin Santiago - November 16, 2020 - 08:58 PM

KINAMPIHAN ni Kris Aquino si Angel Locsin sa ginawang pambabastos sa dalaga ng isang guro mula sa Occidental Mindoro.

Hindi rin nagustuhan ng TV host-actress ang pagtawag kay Angel ng “obese” sa learning module na gawa ng nasabing teacher para sa kanyang mga estudyante.

Ayon kay Tetay, alam niya ang hirap at sakripisyo ng mga Filipino teachers sa kanilang propesyon pero maling-mali ang paglaruan at gawing katatawanan ang isang taong tulad ni Angel Locsin.

Sa Instagram post ni Angel kung saan makikita ang reaksyon niya sa inilabas na official statement ng Department of Education (DepEd) office sa Occindental Mindoro hinggil sa nagawang pagkakamali ng kanilang guro, nag-iwan ng komento si Kris.

“I understand mahirap ang trabaho ng mga guro at kadalasan hindi sapat ang sweldo… pero ang budget ng DepEd ay galing sa mga Pilipino, mga nagtatrabaho at nagbabayad ng buwis ang nagbibigay pondo para sa DepEd.

“In other words, lahat tayo stakeholders dito kaya mali kung ang likas na matulungin sa kapwa ang ‘paglalaruan’ in the guise of ‘pagtuturo,'” paliwanag ng mommy nina Joshua at Bimby.

Ipinagdiinan pa ni Kris na, “Yes, we live in a democracy and the teacher has the right to exercise the same rights all of us have, the right to free speech.

“But in this instance, the person in authority (the teacher) is playing a significant role in shaping the values and characters of his/her students,” aniya pa.

Humirit din si Kris sa inilabas na pahayag ng DepEd sa Occidental Mindoro sa pamamagitan ni Division Superintendent Roger Capa kung saan nakiusap nga ito na tigilan na ang pamba-bash sa kontrobersyal na guro.

Pagtatanggol pa ni Kris kay Angel, “Sir / Ma’am, kung mamemersonal po, open naman ang comments ni Angel sa Instagram and Twitter niya. Kahit hindi po kagandahan ang opinion sa kanya, at least sa mas naaangkop na ‘forum’ in-express.”

Ito naman ang mensahe niya para sa kanyang kaibigan, “Kagaya nga ng paulit-ulit kong sinasabi sa ’yo, hanga ako sa tatag at tapang mo. Isang sobrang higpit na yakap sa Ate mong nagmamahal.”

Nauna nang naglabas ng hinanakit si Angel sa inilabas na statement ng DepEd tungkol sa issue, “I don’t mind the insults. Cheap comments do not define who I am.

“I intended to ignore this issue, but when I read DepEd’s statement, aba teka lang.

“What bothers me most is apart from teaching incorrect grammar to the students, DepEd seems unaffected that the said teacher is teaching bad conduct and sowing discrimination among the children.

“Anong mangyayare sa future kung ang mga kabataan ay tinuturuan ng pambabastos at pangungutya sa kapwa?

“This is the more relevant issue deped, that you should be held accountable and must correct. Sa inyo nakasalalay ang pag asa ng ating milyon milyong kabataan.

“The said teacher should apologize to his students and all the students that read the module.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I am fortunate that I had teachers who value good manners and right conduct. Every child deserves to have teachers like them,” ani Angel.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending