Catriona tuloy ang pagtulong sa mga biktima nina Ulysses at Rolly kahit nasa Colombia
NASA bansang Colombia si 2018 Miss Universe Catriona Gray nang hagupitin ng bagyong Ulysses ang rehiyon ng Luzon, kabilang na ang Rizal Province at ang Metro Manila.
Kaya may nagtanong sa kanyang netizen kung bakit nasa Colombia siya imbes na tumutulong sa probinsya niyang Albay sa Bicol region na hindi pa nga nakakabangon sa hagupit ng bagyong Rolly ay heto’t sinalanta uli sila ng bagyong Ulysses.
Tanong ng netizen, “Cat, why are you in Colombia instead of helping your own province deal with the typhoon? I have always been a fan but especially with traveling during a pandemic? What example does taking this job send to everyone?”
Magalang namang sinagot ni Catriona ang tanong sa kanya, “This invitation was extended months ago and even though I’m away, I’ve been doing my part in working with @philredcross since the day of the typhoon to provide aid and relief to the affected areas. Thanks for your concern.”
Kaninang madaling-araw ay nag-post ang ating beauty queen ng larawang kausap niya ang mga kinatawan ng Red Cross Colombia.
Ang caption ng dalaga, “Humanity, impartiality, neutrality, independence, voluntary service, unity and universality. These are the seven principles of the Red Cross.
“While in Colombia, I visited the Red Cross @cruzrojaatlantico to promote the fundraising activities for typhoon relief operations of @philredcross in the Philippines as well as PRC’s current COVID operations, leading the country’s mass public testing capacity.
“If you’d like to help donate for typhoon relief to aid the victims of Typhoon Ulysses and Typhoon Rolly, please visit redcross.org.ph/UlyssesPH. Salamat.”
Nag-post din ang kinatawan ng Colombia Red Cross na si @cruzrojaatlantico sa kanyang Instagram ng larawang kasama nila ang 2018 Miss Universe.
Samantala, ngayong umaga ay ipinost ng dalaga ang Actual Magaszine ng nasabing bansa na siya mismo ang cover pero dito sa Pilipinas ginanap ang pictorial.
Ang caption ay, “My first magazine cover in Colombia thank you @larevistaactual for having me on your publication talking about my visit to Colombia with a purpose @smiletrain.la @smiletrain.
“Shot at the National Museum of the Philippines by @charismalico in @leoalmodal styled by @justine.aliman19 @styledbypatrickhenry Glam by @memayfrancisco @hairbybrentsales.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.