Jodi hindi pa handa sa pagbibinata ni Thirdy: Kasi siyempre nu’ng maliit sila, ikaw ang mundo nila... | Bandera

Jodi hindi pa handa sa pagbibinata ni Thirdy: Kasi siyempre nu’ng maliit sila, ikaw ang mundo nila…

Ervin Santiago - November 12, 2020 - 11:41 AM


TULAD ng ibang nanay, humaharap din ngayon sa “extra challenge” si Jodi Sta. Maria bilang mommy ng nagbibinatang anak na si Thirdy.

Ayon sa Kapamilya actress, medyo mas may effort ngayon ang pagtse-check niya sa anak para alamin ang nararamdaman at mga kailangan nito.

“I would always ask Thirdy. Parang ‘How are you?’ because I would want to know kung ano ‘yung nararamdaman niya ngayong araw na ‘to, ano ‘yung pangangailangan niya ngayong araw na ‘to. So gusto ko naman i-address ‘yun,” pag-amin ni Jodi sa panayam ng “Magandang Buhay.”

Pero sabi ng single mom, nirerespeto naman niya ang desisyon ng binatilyong anak kung mas gusto nitong mapag-isa at manahimik muna.

“But I know it’s not every day na open siya or ready siya to talk about his feelings and I respect that. In any way I can, pinapakita ko sa kanya na mahal ko siya kasi mahal na mahal ko talaga ‘yung batang ‘yun.

“And minsan kahit na nakukulitan na siya sa akin, I would always remind him talaga of my love and care and support na hindi ko siya pinipilit sa mga bagay na gusto ko. Na alam niya na nandito ako para gabayan siya, mahalin siya, at suportahan siya,” esplika ng Kapamilya actress.

Patuloy na pag-amin ni Jodi sa nararamdaman, “Akala ko magiging handa ako. Kasi alam ko naman. Hindi mo naman mapipigilan ang paglaki ng isang bata, ‘di ba?

“For me, in my head, ah kaya ‘to. Pero nu’ng dumarating na ‘yung mga changes, taon-taon na nag-be-birthday siya, nakikita ko na facial hair, kilikili hair parang sabi ko ‘Grabe, ito na ‘to,” chika pa ng mommy ni Thirdy.

Aniya pa, “Parang right before my eyes, lumalaki na ‘yung bata. Tapos parang du’n ko na-realize na hindi pala ako handa.

“Kasi siyempre nu’ng maliit sila, ikaw ang mundo nila. Sa ‘yo lang iikot ang mundo nila. Makibot ka lang ng konti, ‘Mommy’, alis ka lang ng konti, ‘Mommy.’ Kakapit na ‘yan dito (sabay turo sa paa). Hindi pwedeng mawala ka sa paningin nila.

“Ngayon, siyempre may ibang importante na rin sa buhay niya. Siyempre nandiyan ‘yung may friends sa school. So sometimes I feel na ‘Awww sila na ‘yung priority,’” emosyonal pang pahayag ni Jodi.

“Alam kong simula pa lang siya. Sabi ko hindi yata ako magiging ready pero it’s something na kailangan kong tanggapin.

“Ngayon laging nabubuhay sa utak ko ‘yung laging sinasabi ng nanay ko na one day mae-experience mo rin ‘yan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Parang ‘yung mga bagay na pinagdaanan niya sa akin before, parang ngayon ko siya, ‘Okay mas naiitindihan ko na siya ngayon,’” patuloy pang pahayag ng aktres na siguradong maraming mommy ang nakaka-relate.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending