Solenn dumanas ng postpartum; ayaw tumingin sa salamin, conscious sa kilikili, tummy
MARAMING pinagdaraanang challenge ngayon ang Kapuso star na si Solenn Heussaff bilang isang nanay.
Pero ang isa sa pinakamatinding hamon sa buhay niya ngayon ay ang kanyang mental health na isa sa mga dapat pagtuunan ng pansin ng bawat tao lalo na ngayong panahon ng pandemya.
Inamin ni Solenn na maraming naging pagbabago sa mga pananaw niya sa buhay mula nang ipanganak niya si Baby Thylane at napakarami rin niyang natututunan bilang first time mommy.
Pero ang hindi raw alam ng marami ay ang mga kakaiba at mahirap ipaliwanag na pinagdaraanan ng mga babaeng kapapanganak pa lang na nakaka-experience ng “postpartum.”
“Though pregnancy is the best thing I have experienced, there is a lot you go through people don’t always talk about. Postpartum. AKA your mental health and state,” bahagi ng caption ni Solenn sa pregnant photo na ipinost niya sa Instagram.
May mga pagkakataon daw na mas gusto niyang mapag-isa, “I couldn’t look at myself in the mirror, didn’t want people to come visit me, wanted to diet but couldn’t because feeding my baby was a priority.
“Being conscious about the dark spots on my tummy, the way my armpits looked, feeling useless because no matter how much I ate, my baby was crying from hunger because of my low milk supply and the list goes on,” paliwanag pa ng TV host-actress.
Aniya pa, “No one truly understands it unless they go through it. All of these feelings are normal but I hated myself for feeling this way because I felt I was being selfish.”
Para kay Solenn, matapos nga niyang maranasan ang mga ito, dapat daw maging priority ng bawat isa ang usapin tungkol sa mental health.
“Mental health is real, and it is important to talk to people about how you feel and to be ok with it. YOU are important,” pahayag pa ng Kapuso star.
Sa isang panayam, inamin din ng “Taste Buddies” host na marami siyang mga naranasang ups and downs ngayong 2020, “May mga days na okay naman at may mga days na hindi okay. I think that’s all part of this 2020.”
“Marami akong natutunan sa sarili ko. May mga days na medyo down…May mga ups and downs, I think like everyone, unexpected year para sa ating lahat,” dugtong pa ng misis ni vlogger-social media influencer na si Nico Bolzico.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.