Angeline kay Mama Bob: Hindi ko alam paano magsisimula uli, paano ako gigising sa umaga na wala ka?
MARAMING pinaiyak ang Kapamilya singer na si Angeline Quinto sa bagong hugot niya para sa namayapang inang si Mama Bob.
Muling naglabas ng kanyang damdamin ang dalaga sa madlang pipol habang patuloy na nagluluksa sa pagkamatay ni Mama Bob o Sylvia Quinto sa tunay na buhay.
Nag-post si Angeline sa kanyang Instagram page ng throwback photo nila ng namayapang ina kalakip ang madamdaming mensahe.
“Ma, hindi ko alam paano ako magsisimula ulit.
“Paano ako gigising sa umaga na wala ka? Ikaw ang buhay ko, Mama Bob. Ikaw ang mundo ko, Mama. Ikaw lahat. Tulungan mo ako, Ma.
“Palagi kong tatandaan at gagawin lahat nang tinuro mo sa akin. Mahal na mahal kita, Ma,” pahayag ni Angeline.
Dahil dito, marami uling nakiramay uli kay Angeline at nagsabing nararamdaman nila ang pangungulila ng dalaga at talagang napaluha rin sila sa mensahe nito sa ina. Nangako rin sila na patuloy na ipagdarasal ang singer pati na ang kaluluwa ni Mama Bob.
Sa isa namang IG video makikita si Mama Bob na hinihilot ang paa ni Angeline at ang dasal ng dalaga, sana raw ay hilutin pa rin siya ng ina. kapag masama ang pakiramdam niya kahit sa panaginip lamang.
Last Nov. 7 ibinalita ng singer-actress ang pagpanaw ni Mama Bob matapos ma-confine sa ospital after suffering from a stroke last Sept. 9.
“Mag-iingat ka sa paglalakbay, Ma. Hindi man kita maalalayan sa paglalakad ngayon patungo sa Paraiso, masaya ako na nandyan ang Panginoon para umalalay sa yo.
“Hinding-hindi ako mapapagod sa pagpapasalamat sa’yo, Ma dahil sa pagkakataong ibinigay mo sa akin para maging anak mo.
“Hanggang sa muli nating pagkikita, mahal na mahal kong Mama Bob,” ang pamamaalam ni Angeline sa kinilala niyang ina mula pa noong bata siya. Si Mama Bob ay tiyahin ng biological father ni Angeline.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.