Ngayong may pandemya, tine-test ang aking faith at pasensiya
HINDI lang pangsarili ang mga pangarap ngayon ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.
Sa pagtungtong niya sa edad 40, marami pa siyang gustong gawin para sa kanyang pamilya at sa industriya ng telebisyon at pelikula na isa na ngayong malaking bahagi ng kanyang buhay.
“I would like to think that I am still a work in progress and the best is yet to come,” pahayag ni Dingdong kasabay ng paglulunsad muli sa kanya bilang ambassador ng pain reliever brand na Medicol.
“Marami akong pangarap para sa pamilya ko, para sa entertainment industry na humubog sa akin, at pangarap para sa mga communities and sectors na maaari ko pang matulungan.
“Itong pandemya, it has been testing my faith and patience. Sinusubok ako sa mga paraan kung paano ko masisiguro ang safety and health ng pamilya ko, at ng mga taong nakapaligid sa akin.
“Pero alam ko na in His perfect time, this too shall pass,” pahayag pa ng award-winning actor.
In fairness, isa si Dingdong sa mga local celebrities sa mga busy ngayong panahon ng pandemya. Kamakailan, natapos na ang kanilang lock-in taping para sa Kapuso primetime series ma “Descendants of the Sun” at napapanood na ngayon ang fresh episoded ng programa.
Tuwing Linggo ay nagte-taping naman siya para sa “Amazing Earth” at kung minsan ay nagsisilbi ring direktor sa ilang projects ng asawa niyang si Marian Rivera.
Nandiyan pa rin siyempre ang kanyang YesPinoy Foundation at ang bago niyang business na DingDongPH na isang delivery app kung saan ang mga rider ay mga movie and TV workers na nawalan ng trabaho dulot ng pandemya.
“Nagagawa ko ang lahat ng ito dahil sa supporta ng aking pamilya at ng aking komunidad who appreciate my craft and my contributions sa mga industriyang kinabibilangan ko,” ani Dingdong.
Tungkol naman sa pagiging brand ambassador, “Happy at honored po ako sa bago kong role. The fact that Medicol considered me to be its endorser, habang ang buong mundo ay nakakaranas ng pandemya, it makes me grateful.”
Ayon naman sa brand manager na si Lisa Angeli de Leon, matagal nang miyembro ng Unilab family ang aktor, “Ni-launch ang campaign noong July and we are exploring projects na pwede kaming mag-collaborate to inspire Filipinos to rise above the challenges, lalo na ngayong panahon ng pandemya. Masaya po kaming makatrabaho si Dingdong muli.”
Actually, dati nang endorser ng nasabing brand si Dingdong, “Isa pong pribilehiyo ang maging brand ambassador. Ako po ay kaisa nila sa pagsusulong ng mas malusog na Pilipinas, one quality medicine at a time.
“Katulad ng Unilab, naniniwala rin po ako na ang de kalidad na health care ay dapat abot-kaya ng bawat Pilipino,” pahayag pa ni Dingdong.
“Mula sa pagiging headache brand, isa na siyang clinically proven medicine to relieve different types of pain gaya ng migraine, toothache, dysmenorrhea, body pain at maging post-operative pains gaya ng tooth extraction,” pahayag pa ni De Leon.
“Dito pumapasok kung bakit si Dingdong ang perfect ambassador. Kung paano nag-develop ang brand ay ganoon din si Dingdong over the years. He embodies the brand with his multi-faceted character and achievements. Si Dingdong ang perfect person to represent the brand’s promise of helping be your best self,” dagdag pa niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.