Sofia sa pagiging mommy: Sobrang sarap sa feeling...mas nag-mature ako | Bandera

Sofia sa pagiging mommy: Sobrang sarap sa feeling…mas nag-mature ako

Reggee Bonoan - November 08, 2020 - 04:58 PM

PAGKATAPOS ng “Pusong Ligaw” at “Bagani” na nilabasan ni Sofia Andres noong 2018 ay heto’t muli siyang mapapanood sa teleseryeng “La Vida Lena.”

Pagbibidahan ito ni Erich Gonzales kaya natanong namin kung tuluy-tuloy na ba ang pagbabalik niya at kung may limitasyon na ba siya ngayong may anak na siya.

Naging in-active ang bagong mommy dahil nagbuntis at nanganak kay Baby Zoe na mag-iisang taon na ngayong Nob. 24.

“Actually po safe na safe ako kasi lock-in ngayon so wala ‘yung mga sinasabi nating kissing scene, although ‘yung boyfriend (Daniel Miranda) ko hindi naman siya ganu’n ka-strict dahil naiintindihan naman niya.

“For me, never pa naman akong naka-experience ng mga love scene. Nandiyan naman ‘yung mga direktor natin to guide me, kinakabahan ako (bigla) sa mga ganu’n scenes and all that,” nakangiting sagot ng aktres.

Pero tuluy-tuloy ang pagtanggap ni Sofia ng proyekto, “Pag ganyan kasi, I need to talk to my boyfriend first kung okay pa rin sa kanya.  Itong La Vida Lena naman na-mention ko sa kanya kung anong story and all that at okay lang din naman sa kanya as long as walang conflict. Kasi mas okay mag-work kung lahat, okay.”

Samantala, natanong din si Sofia kung kumusta ngayong mommy na siya at kumusta si Daniel as a dad at paano niya hahatiin ang oras niya bilang nanay ni Zoe at sa pagbabalik showbiz niya.

“Una, ang feeling ng motherhood, sobrang sarap sa feeling mas nakilala ko ‘yung sarili ko as a mom, as a person.  Nagbabago, nag-iiba ‘yung version, parang version 2.0 ng pagkatao, mas naging understanding and nag-mature.

“How’s Daniel as a dad? I am lucky to be honest kasi he’s young pero tineyk niya ‘yung responsibility hindi niya kami iniwan mahal niya kaming dalawa mas mahal niya ‘yung anak namin which I’m very proud of him.

“Paano ko dini-divide ang time?  Sinusulit ko ang break kasi halos one month kaming lock-in.  Kasama ko ‘yung daughter ko sa buong break na ‘yun, wala akong mini-miss na moment kasi ang hirap pag lock-in, di ba?  Medyo nakaka-miss but kailangan (mag-work),” kuwento ng aktres.

Magkaribal sina Sofia at Erich sa “La Vina Lena” dahil childhood boyfriend nito si Kit Thompson as Miguel at magiging dahilan kung bakit sila magkakaroon ng gulo ni Magdalena.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na ang “La Vida Lena” simula sa Nob. 14 sa iWant TFC at bukod kina Sofia at Erich ay kasama rin dito sina JC de Vera, Carlo Aquino, Janice de Belen, Raymond Bagatsing, Christian Vasquez, Pen Medina, Ruby Ruiz, Soliman Cruz, Malou Crisologo, Josh Ivan Morales, Hasna Cabral, Danica Ontengco, Renshi De Guzman at Agot Isidro mula sa direksyon nina Jojo Saguin at Jerry Sineneng handog ng Dreamscape Entertainment.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending