Meralco magpapadala ng 45 linemen sa Albay para tumulong sa power restoration | Bandera

Meralco magpapadala ng 45 linemen sa Albay para tumulong sa power restoration

Ulat ng Bandera at Radyo Inquirer - November 07, 2020 - 09:24 AM

Mga linemen mula sa Federation of Rural Electric Cooperative of Region 8 habang inaayos ang mga nasirang linya ng koryenta sa Albay dulot ng Bayong Rolly. (Mark Alvic Esplana/Inquirer Southern Luzon)

Magpapadala ng 10 team ang Manila Electric Company (Meralco) sa Albay para tumulong sa power restoration.

Ang 10 team ay bubuuin ng 45 linemen na tutulong sa Albay Power and Energy Corporation (APEC) para maiayos ang mga pasilidad at linya ng koryenteng winasak ng Bagyong Rolly.

Darating sa Albay ang Meralco team ngayong Sabado, November 7, 2020.

Itatalaga sila sa District 1.

Una nang nagpadala ng linemen ang 11 electric cooperatives na bahagi ng Federation of Rural Electric Cooperative sa Region 8.

Ipinakalat na sila sa Districts 1 at 3 ng Albay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending