2 sidekick ni Vice naiahon ni Chad Kinis sa pagkalugmok: Hindi siya maramot | Bandera

2 sidekick ni Vice naiahon ni Chad Kinis sa pagkalugmok: Hindi siya maramot

Ervin Santiago - November 06, 2020 - 09:17 AM

KUNG hindi pala dahil sa komedyanteng si Chad Kinis, problemado ngayong panahon ng pandemya ang comic duo na sina MC Calaquian at Lassy Marquez.
Ayon kina MC at Lassy, napakalaki ng pasasalamat nila sa kaibigan na dahil kahit paano’y naitatawid nila ang pang-araw-araw na gastusin ng kanilang mga pamilya.

Kuwento ng mga kilalang sidekick ni Vice Ganda sa mga pelikula, si Chad ang bumuo ng kanilang grupo na “Beks Battalion” na sikat na sikat na ngayon sa vlogging community.

“Kung hindi dahil sa kanya siguro ngayon medyo nangangamba kami kung saan kami kukuha ng income na pang-araw-araw,” pahayag ni MC sa “Magandang Buhay”.

Aniya pa, “Yun ang ipinagpapasalamat ko sa kanya na bago mag-pandemic in-introduce niya kami sa bagong mundo, sa YouTube. Tapos siya ‘yung umaalalay.

“Siya ang nagsasabi na ito ang gagawin natin, ganito. Siya rin ang nagsabi na kumuha tayo ng Beks Batallion na bahay.

“‘Yun ang pasasalamat ko sa kanya na hindi niya lang inisip ang sarili niya, pati kami,” chika pa ng stand-up comedian.

Ang mas ipinagpapasalamat pa niya, dahil sa Beks Batallion ay may mga kapwa komedyante rin silang natutulungan na nawalan din ng work dulot ng COVID-19 pandemic.

Ayon naman kay Lassy, baka raw hindi na niya alam kung ano ang nangyari sa buhay niya kung hindi naisip ni Chad na magkaroon sila ng sariling vlog.

“Kung wala siguro si Chad, ang maiisip ko lang siguro sa buhay ko ‘Ano kaya? Hanggang saan?’ ‘Yung ganoon. Nawalan kami ng trabaho. Mabubuhay ba ako sa konting ganito?

“Pero nu’ng dumating si Chad, pasalamat ako na bago ang pandemic, nu’ng February ay nakagawa kami ng YouTube channel,” sey ng komedyante.

Kasabay nito, ipinagtanggol din niya si Chad laban sa mga bashers nito, “Nagkakamali sila. Si Chad, maganda ang pananaw sa buhay.

“Alam niya ang tinatahak niyang landas at idinamay niya kami roon. Alam niya ang buhay, alam niya ang kahirapan, alam niya kung paano umasenso, which is ako nahihirapan din ako sa buhay talaga, eh.

“Nu’ng si Chad dumating sa aming buhay ay naging magaan kami, kasi nakatulong siya sa panahon na ganito, na pandemya.

“Dalawa kami sa naiahon niya, kumbaga naisalba sa pagkakalugmok, kasi lugmok kami kung wala talaga si Chad. Hindi siya madamot, promise.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kasi ang tingin ng iba sa kanya, akala siya ‘yung laging tama. Tama si Chad para sa ikabubuti mo. Huwag niyong maliin yon,” ani Lassy.

Nakilala si Chad Kinis nang o Richardson dela Cruz in real life nang mag-join siya sa Miss Q&A InterTALAKtic ng “It’s Showtime” noong 2019.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending