G Tongi umalma sa ‘mahina ang ulo’ comment ni Arnell; pati ‘buhok’ idinamay
KUNG nakatikim ng pamba-bash si Angelica Panganiban mula sa netizens dahil sa naging komento niya nu’ng kasagsagan ng bagyong Rolly ay may isang celebrity naman ang nagtanggol sa kanya.
“Ano ng plano? Tulog na lang? Kilos kilos naman para sa sinumpaan para sa bayan at mga Pilipino,” yan ang tweet ni Angelica noong binabayo ni Rolly ang iba’t ibang parte ng bansa.
Sa gitna ng pambabatikos ng mga netizens, nakakuha naman siya ng suporta mula sa aktres na si Giselle Tongi o mas kilala bilang si G Tongi na naninirahan na sa Amerika ngayon.
Walang binanggit na pangalan si Angelica kung sino ang pinatungkulan niya sa tweet niya pero halata naman kung sino dahil nasabay ito sa press briefing ng mga kawani ng gobyerno kung saan wala si President Rodrigo Duterte.
Nag-trending din ang #NasaanAngPangulo nu’ng araw na nagkomento si Angge kaya naman pinutakti siya ng netizens. Kasunod nito, nag-post naman si Arnell Ignacio na dating Deputy Executive Director ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) tungkol sa mga artistang nagpo-post sa social media nang hindi muna nag-iisip.
Ayon kay Arnell, “Noon ang artista kadalasan ang tingin, e, mahina ang ulo na stereoyped kung baga. Nakakasama nga ng loob noon pero ngayon ang hirap na ipagtanggol. Ang daming prueba. Eh me yabang pa nga sa katangahan e.”
Obviously, ang puso ng TV host-comedian ay nasa mga kasamahan niya sa showbiz pero dahil nga sa tuwing may magpo-post na artista na puna nila sa administrasyong Duterte ay lagi silang nababatikos kaya siguro sumasama rin ang loob niya kaya in his own little way ay gusto silang pagsabihan ni Arnell na manahimik na lang para hindi sila naba-bash.
Ang kaso hindi naging maganda ang huling pangungusap ni Arnelli na kahit hindi niya binanggit ang pangalan ay maraming nagkomento na para ito kay Angelica.
At dito na umalma si Giselle kung saan ni-repost niya sa Twitter ang nasulat dito sa BANDERA (mula sa Inquirer.net) at binuweltahan si Arnelli.
Ayon kay G, “Arnel — dahan dahan lang sa pag atake ng mga kasamahan sa industrya na ginagamit lang naman ang kanilang boses na karapatan naman nila.
“Sa kaalaman ko, ang may mahinang ulo ay ‘yung di tumutubong buhok mo, kaya tuloy naka plug ins ka (emojis ng kumindat at peace sign).’’
Anyway, habang sinusulat namin ang balitang ito ay nagpadala kami ng mensahe kay Arnell sa kanyang Facebook account (DA Arnell Ign) pero hindi pa niya ito nakikita.
Agad naming ibabahagi rito ang magiging tugon sa amin ng comedian-TV host tungkol sa naging parunggit sa kanya ni G Toengi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.