Banat ni Angelica habang binabagyo ang Pinas: Anong plano? Tulog na lang? Kilos kilos naman | Bandera

Banat ni Angelica habang binabagyo ang Pinas: Anong plano? Tulog na lang? Kilos kilos naman

Ervin Santiago |November 02,2020
facebook
share this

Banat ni Angelica habang binabagyo ang Pinas: Anong plano? Tulog na lang? Kilos kilos naman

Ervin Santiago - November 02, 2020 - 11:28 AM

NAKAKATIKIM na naman ngayon ng masasakit na salita si Angelica Panganiban mula sa mga supporters ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito’y dahil sa cryptic post ng Kapamilya actress sa Twitter kahapon habang binabayo ni Super Typhoon Rolly ang iba’t ibang bahagi ng bansa.

Hugot ni Angelica, “Ano ng plano? Tulog na lang? Kilos kilos naman para sa sinumpaan para sa bayan at mga Pilipino.”

Walang binanggit na pangalan ang dalaga pero ang feeling ng mga Twitter users si Pangulong Duterte ang pinatutungkulan nito sa kanyang post. Kaya naman talagang sunog na sunog si Angelica sa mga palabang DDS.

Naging isa sa top trending topic sa Twitter ang hashtag na #NasaanAngPangulo dahil sa dami ng mga netizens na naghahanap kay PDuterte habang binabagyo nga ang Pilipinas.

Wala kasi ang Presidente sa Sunday press briefing na pinangunahan ni Presidential Spokesperson Harry Roque hinggil sa mga ginagawa ngayon ng pamahalaan para tulungan ang mga naapektuhan ng sinasabing pinakamalakas na bagyo sa buong mundo ngayong taon.

Ayon kay Roque umuwi ang Pangulong sa Davao at naka-schedule na bumalik ng Manila bukas. Aniya pa, mismong si Duterte naman ang nag-utos na magsagawa ng press briefing para sa updates kay Typhoon Rolly.

Narito ang ilan sa mga banat ng netizens sa hugot ni Angelica tungkol sa pagresponde ng gobyerno sa Super Typhoon Rolly.

“Learn to appreciate Angelica the things that the government has done for the Filipino people.  Do you know that God appoints people?  We honor who God appoints because that is what we need during the season. You always have a heavy heart towards the government.”

“Hehehe. Nasanay ka na kasi Ange na yung ibang pulpolitiko lagi’ng nag pophoto-op. Silent worker kuno pero may karyada’ng photographers.”

“Nagsasalita na naman mga artistang pawoke, magantay ka, syempre anjan pa bagyo wala tayo control jan, after ng bagyo jan na kikilos, boba kaba? during bagyo gusto mo may gagawin? kaya may evacuation before bagyo, mga artistang bugok.”

“Duterte’s invisible hand is working thru his entire govt. How many times have u trended #NasaanAngPangulo on various calamities and yet in all of those times, PH breezed thru the ordeal. Why? Bcoz, a no nonsense govt knows how to navigate tough situations sans the PR fanfare.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wala pang sinasagot si Angelica sa mga bumatikos sa kanya, pero may mga tagahanga namang nagtanggol at nagpaliwanag sa ipinost niya sa Twitter.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending