Julie Anne napili para sa bonggang project ng Netflix; Bianca, Jeric may hugot sa fans
ANG Asia’s Pop Diva na si Julie Anne San Jose ang pinili ng Netflix Philippines para sa local cover ng “Rocket To The Moon,” ang theme song ng 2020 animated film na “Over The Moon.”
“When I first heard about [the song cover], I got really excited since I have always been a fan of Netflix films.
“I’m happy and honored that they have chosen me to do a cover of ‘Rocket to the Moon.’ I hope I was able to give justice to the song and hope that fans like it,” pahayag ni Julie tungkol sa bago niyang proyekto.
Ikinuwento rin ng Kapuso actress-TV host ang naging experience sa shooting ng music video produced by Netflix.
“The shoot is different from the previous music videos that I have done since this time, there is an animation component.
“While filming, we used Chroma and I had to imagine that I was part of the movie and interacting with some of the characters of the film, which for me, was the most exciting part.
“The fun part was that everyone was humming the song, even the most macho crew on the set,” aniya pa.
Pinusuan naman ng kanyang mga kapwa artista at netizens ang nakakabilib na performance ng Kapuso singer.
Tweet ng isang fan, “We didn’t see this coming, @Netflix_PH Thank you for choosing our Asia’s Pop Diva. An effortless and unbothered Queen indeed!”
* * *
Nagpaabot naman ng pasasalamat sina Bianca Umali at Jeric Gonzales sa lahat ng fans na patuloy na nagbibigay ng suporta at pagmamahal sa kanila.
“Sa lahat po ng mga taong sumusuporta at nagmamahal po sa akin, maraming maraming salamat. Mahal na mahal ko kayo.
“Lagi kong sinasabi na kung hindi po dahil sa inyo, ay wala po ako sa kinaroroonan ko ngayon.
“Kayo ang inspirasyon ko and everything I do is to make you happy. Maraming salamat po,” mensahe ni Bianca.
Pinasalamatan naman ni Jeric ang mga sumusuporta sa kanya simula pa noong parte pa lamang siya ng “Protégé.”
Ibinahagi niya na ang ilan pa nga sa kanyang fans ay naging kaibigan na niya.
Ayon sa Kapuso actor, “Naging friends ko, hindi lang fan or supporter. Naging close ko na talaga.
“Sana kung saan man ako makarating, nandiyan pa rin kayo para sa akin. Mahal ko kayo,” lahad ng aktor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.