Aubrey, Troy may 2 sikreto sa matatag na relasyon: Respeto at communication
RESPETO at open communication ang dalawa sa mga sikreto ng matibay at maayos na pagsasama nina Troy Montero at Aubrey Miles.
Mas na-test pa raw ang kanilang relasyon nang magkaroon ng COVID-19 pandemic at ma-lockdown nang ilang buwan sa bahay kasama ang mga anak nila.
Ayon sa celebrity couple, hindi rin perfect ang pagsasama nila pero ginagawa nila ang lahat para alagaan at mapaligaya ang isa’t isa.
“Ako, especially during this time, I would say communication, napakahalaga niyan sa relationship. You have to have really great communication and respect.
“Make sure you respect. Kasi once you have the respect, it’s very easy to have the other things, ‘yung love and everything. Very good communication and respect each other,” pahayag ni Troy sa nakaraang episode ng “Magandang Buhay.”
Sumang-ayon naman agad si Aubrey kay Troy, “Same din ‘yung sasabihin ko, ‘yung respect niyo sa isa’t isa at ‘yung respect sa sarili mo. Kasi parang the way na makikita nila na i-respect ka eh kapag sa sarili mo alam nilang ‘oh nirerespeto niya ang sarili niya, I have to give that.'”
Tungkol naman sa takbo ng buhay nila ngayong may pandemya,”If there’s a bright side to this pandemic and everything, it has given us more time with the family, more bonding moments.
“Parang more time na when your kids talk to you, hindi siya rush kasi you’re not going anywhere.
“Minsan-minsan lang we go out of the house pero most of our work is online lang. In a way it’s given us a chance to bond and become closer, all of us,” paliwanag pa ng mister ni Aubrey.
Blessing in disguise din para kay Aubrey ang ma-lockdown sa bahay ang buong pamilya nila dahil talagang nama-maximize nila ang kanilang oras kasama ang kanilang mga anak.
“Sobrang nag-e-enjoy ako ngayon. Sinabi rin namin na sana ito na ‘yung last namin. Ayaw ko na. Parang na-realize namin na ang saya na nung tatlo.
“Parang tamang-tama na ‘yung happiness namin. Then parang walang yaya nag-e-enjoy ako. Pare-pareho ang love mo, pero iba-iba ang experience mo bawat anak,” chika pa ni Aubrey.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.