Mas maraming pros yung new normal taping for me | Bandera

Mas maraming pros yung new normal taping for me

Ervin Santiago |October 31,2020
facebook
share this

Mas maraming pros yung new normal taping for me

Ervin Santiago - October 31, 2020 - 09:13 AM


KUNG may isang aktor ngayon na hindi nawawalan ng trabaho sa gitna ng pandemya, yan ay walang iba kundi si Jake Cuenca.

Bukod sa Kapamilya series na “Walang Hanggang Paalam” kasama sina Paulo Avelino, Zanjoe Marudo at Angelica Panganiban, nakagawa rin ng mga digital movies si Jake.

Nagbida si Jake sa kontrobersyal na “Love Lockdown” kasama ang girlfriend niyang si Kylie Versoza at muli nga siyang bibida sa horror twin-bill ng iWant TFC film na “Sitsit” para sa episode na “Scorpio.”

Sa nakaraang virtual mediacon ng pelikula, natanong ang aktor kung okay ba sa kanya ang sistemang pinaiiral ngayon sa new normal taping dulot nga ng COVID-19 pandemic.
“Siyempre nakaka-miss din yung dati pero may pros din. As an actor, at least naka-lock-in ka, naka-focus ka lang talaga sa trabaho.

“Or kunwari kung gusto mo i-method yung role na ginagawa mo, you just wanted to stay in character the whole time, puwede mo gawin. Walang break kumbaga dire-diretso kayo.

“And also yung isang pro din is yung working hours ngayon mas okay din. We’re just working 14 hours a day. Istrikto sila with the protocols and everything.

“Siyempre kapag umaalis ka ngayon for lock-in may sepanx (separation anxiety), iiwan mo yung mahal mo, or iiwan mo yung pamilya mo.

“May separation anxiety talaga. Pero as an actor, parang marami rin talagang pros yung new normal for me,” tuluy-tuloy na pahayag ng hunk actor.

Samantala, medyo sexy ang tema ng bagong horror movie ni Jake at alam n’yo namang palaban din ang binata pagdating sa mga ganyang mga klase ng role. Wala siyang kiyeme sa mga love scene at pagpapakita ng katawan.

“I knew what I was signing up for right away. I knew what the project demanded. But at the same time, I really trusted Dreamscape.

“They always give me nothing but good roles and at the same time, I also wanted to work with direk Ato (Bautista) and it was a very good opportunity to do so. Hindi naman masyado naging challenging. It was very fun to play around in the set,” lahad pa ni Jake.

Ang “Scorpio” ay tungkol sa isang matandang photographer (Danny) na gumamit ng gayuma para makuha ang pinakamamahal na babae. Gagampanan ito ng award-winning veteran actor na si Dido dela Paz.

Kapag ginagamit ni Dido ang gayuma ay muli siyang bumabata at nagiging si Jake. Dito na lalabas ang dark side ni Danny.

“Medyo nakakatakot talaga. I would say really to the highest level kasi na-obsess siya with his fantasies to the point na nakakasakit na siya ng iba, inaabuso na niya yung potion na ininom niya.

“In a way, parang kung pagdating sa acting, yes we took it to the extremes. Nu’ng umabot kami sa pinaka-climax ng story, it was very, very intense,” kuwento ni Jake.

Ang “Scorpio” ay idinirek ni Ato Bautista habang ang isa pang episode ng “Sitsit” na “Aswang” ay pinagbibidahan naman ni Ivana Alawi and directed by Erin Pascual and co-produced by Paulo Avelino.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Showing na ang “Sitsit” sa iWant TFC app (iOS and Android) at sa iwanttfc.com mula Oct. 31.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending