Shutdown sa operasyon ng MRT-3 mula Sabado hanggang Lunes kinansela dahil sa bagyo | Bandera

Shutdown sa operasyon ng MRT-3 mula Sabado hanggang Lunes kinansela dahil sa bagyo

Ulat ng Bandera at Radyo Inquirer - October 31, 2020 - 05:43 AM

Hindi na muna itutuloy ang pagpapatupad ng temporary shutdown sa operasyon ng Metro Rail Transit-3 ngayong Sabado, Oktubre 31,  hanggang Lunes.

Sa abiso ng MRT-3, pinaburan ni DOTr Secretary Arthur Tugade na suspindihin ang naka-schedule na weekend shutdown.

Ito ay bilang pag-iingat sa posibleng pananalasa ng Bagyong Rolly.

Ayon sa abiso ng DOTr MRT-3, mahalagang maprotektahan ang mga manggagawa na magiging bahagi ng mga gagawing aktibidad sa mga nasabing petsa.

Nakatakda sanang isaayos ang 34.5 kilovolt alternating current (kV AC) switch gear sa depot at mga turnouts sa Taft Avenue station.

Magbibigay na lamang ng anunsyo ang pamunuan ng MRT-3 kung kailan matutuloy ang weekend shutdown.

Dahil dito, magpapatuloy ang operasyon ng mga tren sa mainline bukas hanggang Lunes.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending