Mrs. Queen of Hearts PH, tuloy na tuloy na ngayong gabi | Bandera

Mrs. Queen of Hearts PH, tuloy na tuloy na ngayong gabi

Armin P. Adina - October 30, 2020 - 03:18 PM

Kasama ni MMG Queen of Hearts Foundation president Mitzie Go-Gil (nakatayo, gitna) ang mga kalahok sa patimpalak ngayong taon (nakatayo) at ang mga kasalukuyang may hawak ng korona (nakaupo) /ARMIN P. ADINA

Makalipas ang anim na buwan mula nang una itong itinakda noong Abril, tuloy na ang pagdaraos ng 2020 Queen of Hearts Philippines coronation night ngayong Oktubre 30 ng gabi sa Dusit D2 Residences sa Bonifacio Global City, Taguig City.

“We have to push through with this as a requirement of the international director who is in charge of conducting international beauty pageants,” ani MMG Queen of Hearts Foundation President Mitzie Go-Gil sa isang online interview.

“The coronation is the culmination of a year-long pageant to choose married Filipino women who will be worthy to represent the country in international beauty pageants,” pagpapatuloy niya.

Pipiliin ngayong gabi ang mga pambato ng Pilipinas na susubukang sungkitin ang mga sumusunod na international beauty title sa ibayong-dagat: Mrs. Worldwide, Mrs. Global Universe, Mrs. Asia Pacific, Intercontinental, Mrs. Asia Pacific Global, Mrs. Asia Pacific Tourism, Mrs. Asia Pacific All Nations, at Mrs. Asia Pacific Cosmopolitan.

Hinihintay pa mula sa international director kung kailan at saan idaraos ang mga pandaigdigang patimpalak, ayon kay Go-Gil, na hinirang na Mrs. Asia Pacific Tourism sa Singapore noong 2018.

Aniya, maliban sa “beauty and brains,” sinisilip din ng patimpalak ang “character, advocacy, talent, congeniality, and also acceptance through social media.”

Nang maisantabi ang naunang itinakdang palatuntunan noong Abril dahil sa pandemyang bunga ng Covid-19, naglunsad ang foundation ng ilang proyektong naghatid ng tulong sa iba’t ibang sector na naapektuhan ng pandemya sa ilang panig ng bansa.

“The foundation has two advocacies, first is to promote the welfare of underprivileged families, especially their children, and second is women empowerment,” ani Go-Gil.

Inaasahang makikiisa ang mga bagong reyna sa mga adhikain ng foundation.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending