Baeby Baste hirap din sa online classes; miss na miss na ang EB Dabarkads
KUNG may isang wish na palaging ipinagdarasal ng “Eat Bulaga” Dabarkads na si Baeby Baste, yan ay ang matapos na ang COVID-19 pandemic.
Bukod sa hiling niyang paggaling ng mga COVID patients at pagiging normal muli ng buhay ng bawat Pinoy, nais niyang matapos na ang health crisis dahil miss na miss na rin ni Baste ang mga kasamahan niya sa “Eat Bulaga.”
Nag-eenjoy naman daw ang child star sa quarantine life niya sa kanilang bahay sa General Santos City kasama ang kanyang Mommy Shiela Granfon at nakababatang kapatid na si Samsam.
Sa loob ng walong buwang pananatili sa bahay ay ipinagmalaki ni Baeby Baste na napakarami niyang natutunan mula kay Mommy Shiela, kabilang na riyan ang pagluluto at pagbe-bake.
Proud na ibinandera ng bagets ang isa sa mga natutunan niyang gawin sa panayam ng GMA, “Choco chip cookies kasi po kaunti ingredients ilagay. Tapos safe sa kids na katulad ko basta po may magbantay na adults,”
Inamin din ng pinakabatang host ng “Eat Bulaga” na medyo nahihirapan siya sa kanilang online classes tulad din ng ibang mga estudyante ngayon.
“’Yung problem po talaga sa online class ‘yung network po. Kasi po, disconnect, tapos po ma-miss mo po ‘yung story-telling sa book, tapos ma-miss mo ‘yung puzzle game, tsaka ‘yung lesson. So, mahirap po talaga,” pahayag ni Baste.
Sa nasabing panayam, sinabi nga ng bagets na miss na miss na niya ang kanyang “Eat Bulaga” family na ilang buwan na niyang hindi nakikita at nakakasama nang personal.
“Sobra ko pong na-miss sila lahat sa Eat Bulaga at nagpe-pray po ako kay God na sana po mawala na po itong COVID-19 para po makabalik na ako. Ang Eat Bulaga, family ko po sila,” chika pa ng cute na cute na child star.
Siguradong hindi lang si Baste ang nakakaramdam ng ganito, kundi pati na rin sina Ryzza Mae Dizon at iba pang hosts ng Kapuso noontime show na bawal pa ring lumabas ngayong panahon ng pandemya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.